Kalokohan 14
Ultimate Challenge
Nagdaan ang ilang araw at ganoon pa rin ang mga pangyayari. Nandito pa rin ako sa impyernong hospital na 'to habang patuloy pa ring bumibisita ang mokong para dalhan ako ng mga prutas. If I know, naaawa lang 'yan sa akin kaya niya 'yon ginagawa.
Kaya hindi ko siya pinapansin. Ayokong tanggapin ang awa niya sa akin. Ni-hindi ko rin kinakain ang mga dala niyang pagkain. Bahala siyang mabulok ang mga dala niya dito.
May kumatok sa pintuan ko kaya agad akong napaayos ng upo. Magtatanghali na pala pero hindi ko namamalayan. Nasanay na ata ako sa ganitong buhay na palaging nakahiga, natutulog at nalulungkot.
"Ma'am, ito na po ang lunch n'yo. Kumain na po kayo." sabi noong isang nurse habang tulak tulak niya ang cart na may tray kung saan nandoon ang aking pagkain.
"Busog pa po ako. Lagay niyo nalang po diyan.. kakainin ko mamaya--
"Ma'am, kumain po kayo. Bawal po ma-late ang pag-inom niyo ng gamot." paliwanag sa akin noong nurse.
"Ako na po ang bahala. Iiwan n'yo nalang po ang gamot at ako na ang kakain--
"Kabilin-bilinan po ng Ate niyo ay ako ang magpainom sa inyo ng gamot. Hindi rin naman po p'wedeng uminom kayo nito nang walang laman ang tiyan ninyo." at katulad nga ng sinabi niya.. wala na akong nagawa. Sinunod ko na ang gusto nila.
Gustong-gusto ko na rin naman kasing umalis dito sa lugar na 'to. Nakakaburyo na. Parang lahat ng utos nila, kailangang sundin ko. Wala na ata akong free will.
Noong makainom na ako nang gamot ay lumabas na ang nurse. Wala naman si Ate ngayong umaga dahil nasa trabaho iyon. Pero mamayang gabi ay dito siya didiretso. Medyo okay na ang relasyon naming dalawa. Nakausap ko na rin ang mga magulang ko.. at halos madurog ang puso ko sa iyak na pinapakawala nila.
Hindi ko nakayanan noong oras na 'yon kaya binalik ko nalang kay Ate ang cellphone niya. Nalaman na rin nila na sira na ang Iphone na hiningi ko noon.. Hindi nila ako pinagalitan. Isa lang ang tanging hiling nila at iyo ay ang imposibleng pagbabago ko.
Katulad ng mga nakaraang araw, buong araw akong nakahiga at nakalatay sa hospital bed ko. Ang kaibahan lang ngayon ay walang dalaw na dumadating. Don't get me wrong. Hindi ako naghihintay ng dalaw ni Stan. Mas okay nga 'yong wala siya ngayon, e. Atleast, payapa ang buhay ko.
Ito naman 'yong gusto ko, eh. 'Yong may pupunta lang sa akin na nurse para kamustahin ako, painumin ng gamot o kaya tanungin kung may kailangan pa ba ako. The rest, wala na. Ayoko nang iba pang bisita.
Pero noong pagabi na ay hindi ko inaasahang tumunog ang pintuan ng aking kwarto hudyat na bumukas ang pinto. Akala ko si Ate Clara na pero nagulat ako sa tumumbad sa pintuan ko. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko pero isa lang ang unang lumabas sa bibig ko.
"Bakit kayo andito? Nagkamali ba kayo ng kwarto na pinuntahan? Hindi kayo welcome dalawa dito." diretso kong sabi. Si kulot at ang kanyang bestfriend lang naman ang pumasok sa aking kwarto. Hindi sila welcome pero nagpatuloy pa rin sila sa paglapit sa akin.
"Cara.." biglang sabi ni Kulot. Napataas naman ang kilay ko. Sabi ko hindi kayo welcome, 'di ba?
BINABASA MO ANG
Reyna ng Kalokohan
HumorCara Valeria is not the typical school girl you know. Because behind her school uniform is a girl with horn. Devil horn, rather. Wala siyang inaatrasan kahit sino ka pa man. Walang nakakaligtas sa mga kalokohan niya araw-araw. At ito ang naging dahi...