Kalokohan 15

3.5K 116 4
                                    

Kalokohan 15

Bite the bait


"Ate, alam mo 'yong number ni.. Stan?" natigilan si Ate Clara sa pag-aayos ng kanyang pinamili. Agad siyang humarap sa akin na nakapamewang.


"Stan? Ano? Papupuntahin mo rito tapos ano? Aawayin mo? Hindi mo papansinin? Mas mabuti pang.. h'wag nalang siyang pumunta. Sinabihan ko na 'yon na tigilan na muna niya, eh." nanliit ang mata ko sa sinabi niya. Hindi ko alam kung anong isasagot ko.


"Oh ano, tama ako.. Cara? Hayaan mo na 'yong tao. Hindi 'yon magsasaya rit--


"Magsosorry po ako sa kanya, Ate." napaurong siya sa sinabi ko na para bang hindi naniniwala.


"Anong sabi mo?" tanong niya sa akin.


"Sabi ko.. magsosorry ako kay Stan, Ate." napapalakpak siya at dahan-dahang lumapit sa akin. Hinawakan niya ang dalawang pisngi ko pati ang leeg ko.


"Ano? May lagnat ka ba? Anong nararamdaman mo? Sinong sumapi sa iyo? Bakit? Paano? Anong tumama sa utak mo at nagkaganyan ka? Nahanginan na ba?" nawiwindang niyang tanong sa akin. Napatawa naman ako sa sinabi niya.


"Well, change starts here." halos nabubulunan kong sinasabi. Napa-sign of the cross naman siya sa sinabi ko.


"Salamat po, Lord. Salamat!" halos itaas niya pa ang kamay niya sa sobrang pagpapasalamat. Hindi nalang ako umimik dahil baka madulas pa akong may ibang pakay ako. Ngiti nalang ako nang ngiti habang hinahaplos niya ang mukha ko at tinitingnan kung anong nangyayari sa akin.


Nagulat na lang ako nang bigla niyang ibato sa akin ang cellphone niya. Nakalagay na rin doon ang number ni Stan. Napangiti naman ako at agad ko 'tong di-nial. Hindi naman nagtagal ang pag-dial ko dahil agad din itong sinagot ni Stan.


"Hello po, Ate Clara?" he answered it with his husky voice. I was just like.. wow. Is this Stan?


"Stan?" mahinang tanong ko.


"Yes po, Ate Clara. Is there any problem po?" magalang niyang tanong. Ang sarap pukpukin ng cellphone dahil natatawa ako sa sobrang kagalangan ni Stan dahil akala niya ako si Ate Clara.. kaso naalala ko hindi ko nga pala cellphone 'to. Wala nga pala akong cellphone kaya nevermind the idea.


"Hindi 'to si Ate Clara. Ako 'to si Cara." diretsong sabi ko sa kanya. Narinig ko naman ang mahinang mura niya.


"Stan, sabi ko si Cara 'to! Sumagot ka!" inulit ko para mas lalo niyang maintindihan.


"Ahh.. oo. Oh, Cara? Are you fine? Napatawag ka--


"I'm absolutely fine. Nga pala, bakit hindi ka na bumibisita?" pabebe kong tanong. Nanliliit naman ang mata ni Ate Clara habang tinitingnan ako. Binubulong niya pa na alam ko na nga ang rason bakit nagtatanong pa ako. Hay, paki mo ba, Ate Clara! Don't mind me, please!


"I'm just busy. Why--


"Oh you're busy.. Wala lang. i just want you to know that I ate all the fruits you gave me. Thank you so much." mas lalong nanliit pa ang mata ni Ate Clara. Pumwesto siya sa prutas na dala ni Stan noong isang araw at isa-isa 'tong pinapakita sa akin. Binato niya pa sa harapan ko ang isang apple.


"Anong kinain?" mahinang bulong ni Ate Clara pero hindi ko 'yon pinansin. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya para hindi ako mawala sa sasabihin ko kay Stan.


"Good to hear that. Kala ko hindi mo kakainin, eh. What do you want to request? Para kapag bumisita ako.. madalhan kita." gusto kong tumawa nang malakas dahil feeling ko paniwalang paniwala si Stan sa mga sinasabi ko! Ghad, hindi ko akalaing ganito kauto-uto itong lalaking 'to!


"Uhm.. I think I want.. strawberries, carrot juice, rambutan, peach and lanzones." narinig ko pa ang pag-ubo niya sa kabilang linya. Kahit ako ay hindi ko mapigilang hindi mapangiti. Binato ako ni Ate Clara nang unan at sumakto talaga sa ulo ko.


"Ara--


"Mayroon ka pa bang gusto? I wrote it down so I can buy all of that." Subukan mo, Stan kung may mahanap ka n'yan ngayon. Napailing-iling nalang ako habang matawa-tawa.


"Aww, thank you so much.. Stan! Pero okay lang naman kung hindi mo bilhin lahat, eh. Baka kasi mahirap hanapin.. nakakahiya naman. And if you can add some milktea.. 'yong may pearls. Plus nachos and mojos!" hindi na ako nagpabebe pa. Sinabi ko na talaga sa huli ang cravings ko.


"Ok lang, Cara. Anything for you. Maybe, tomorrow.. i can visit you." aniya.

Sige, Stan. Asahan ko 'yan lahat ha! Kung kaya mo! Ang kapal mo makapagsabi ng anything for you tapos baka bukas wala kang dala ha! Who you ka sa akin!

Gusto ko sanang sabihan 'yan pero naalala ko ang challenge ko at ni Kulot sa akin.. we'll see if I can do that. Never ko pang nagagawa 'to sa buhay ko.. and if this failed, edi wow. I'm not for this.

Pero kapag maganda ang kinalabasan.. kawawa si Kulot! Pahiya siya. Sa susunod ko nalang iisipin ang mga susunod na mangyayari kapag nangyari na ang binabalak ko. But for now, i'll just focus on my goal.. and let Stan bite the bait.


"Thank you, Stan. Bye for now! And nga pala.. baka bukas sa bahay na ako, eh. Uuwi na kasi kami bukas. Maybe sa bahay ka nalang dumiretso? At sorry sa mga inasal ko noong nakaraan.. Sorry sa lahat. Hindi pa kasi ako okay kaya siguro ako ganoon. Thank you for saving my life, Stan." diretso kong sabi pero sa totoo lang.. halos mabilaukan ako sa bawat salitang lumalabas sa bibig ko.


Hindi ko alam kung bakit hirap na hirap akong magpakabait! Feeling ko lalo akong magkakasakit dahil sa mga sinabi ko!


"It's okay, Cara. Mabuti naman ay napatawad mo na ako.. Sorry rin." and then, that's the end. Pagkatapos naming magpaalam sa isa't isa ay tinigil ko na ang tawag. Hindi ko mapigilang hindi matawa sa mga pinagsasabi ko.. Naniniwala siya! Naniwala siya sa akin! Shit! This is life!


"What is happening to you, Cara? Are you out of your mind?" hindi pa rin nagbabago ang tingin sa akin ni Ate Clara simula kanina. Gulat plus nanliit ang mata at parang nahihilo sa mga kinikilos ko.


"At as if namang.. may mabiling mga ganoong prutas si Stan! Bibilhan ka na nga, choosy ka pa? Nagpabili ka pa ng milktea? Tine-take for granted mo na 'yong tao ha!" masyadong affected si Ate sa mga nangyayari kaya napailing nalang ako sa mga sinasabi niya.


"At sinabi mo pang kinain mo 'tong mga prutas kahit hindi naman! Ano ba 'yan.. nagbabago ka nga pero naging sinungaling ka naman. Ano kayang mas okay .. 'yong loka loka ka o 'yong sinungaling ka?" hindi ko sinagot si Ate. Nag-space out ang isip ko dahil sa mga pinaggagawa ko.


Is this really worth it? Kapag ba napakagat ko si Stan sa patibong na 'to ay magiging kuntento na ako? Magiging successful na ba ako sa challenge ko? Kapag ba nakita kong nasasaktan si Kulot magiging masaya ak--anyway, hindi na dapat tinatanong 'yan. Ako si Cara, e. And i'll surely be happy for that.. right?


"Ayan, kumain ka muna. Binalatan kita ng prutas. Para naman maging healthy ka." nilagay sa tabi ko ni Ate Clara ang isang plato ng binalatan niyang prutas.


"At asan na ang cellphone ko? Baka tumatawag na sila Mommy, eh. Ikukwento kong nagbabago ka na!" maligayang sabi ni Ate Clara. Kulang nalang halikan niya ang pisngi ko.


Kung alam mo lang talaga, Ate Clara..


Kung alam mo lang..

Reyna ng KalokohanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon