Kalokohan 45

3.5K 117 14
                                    

Kalokohan 45

Gown

Hindi ko na alam kung paano pa ako nakauwi sa bahay. Pakiramdam ko kasi nanlalabo ang mata ko dahil sa pagpigil ng luha. Namuo na ata 'yong mga luha ko sa loob ng mata ko dahil hindi ko inilalabas sa aking mata.

"Okay ka lang, anak?" bati sa akin ni Mama pagkapasok ko ng gate. Kasalukuyan siyang nagdidilig ng mga halaman ngayon. Pinilit kong tumango sa kanya pero nang harangin niya ulit ako ay hindi ko na napigilang yakapin siya.

"Anong nangyari?" tanong niya. Hindi ako sumagot sa tanong niya. Imbis na salita ay hikbi ang naging tugon ko.

Pakiramdam ko ay lubusang nanghina ang katawan ko. Ang lakas na inipon ko ng limang taon ay nawala kaagad sa isang iglap. Sa isang iglap na nakita ko siya.

Hindi ko akalaing ganoon kadali mawawala iyon. Kaya siguro isa ito sa pinakakatakutan kong pangyayari-ang muli kaming magkaharap, ang muli naming pagkikita. Natatakot siguro akong magising sa katotohanang nasa sistema ko pa siya. Natatakot siguro akong makita siyang walang pakialam sa akin matapos lumipas ang mga taon. 'Yong tipong parang hindi ako dumaan sa buhay niya at 'yong tipong parang wala kaming pinagdaanan.

Pero ito na, dumating na 'yong araw na 'yon. Nakita ko na siya. Nakita ko na 'yong lalaking labis na nagpasakit sa puso ko na hindi pa rin magawang burahin ng sistema ko. Kaya pakshet siya! Ano bang gayuma ang pinainom niya sa akin? Saan ba ako p'wedeng makabili ng pampawala ng bisa sa gayumang iyon?

"Anak, magpahinga ka nalang sa kwarto mo. Baka pagod lang 'yan. Sana hindi ka muna nagjogging kasi galing pa tayo kahapon sa byahe." Inalalayan ako ni Mama hanggang sa makarating sa aking kwarto. Mabuti na nga lang at hindi niya na ako pinagtatanong ng kung ano pa. Pagod na rin akong sumagod tungkol sa lecheng sakit na nararamdaman ko.

Humiga na ako sa aking kama. Pero tuwing pipikit ako ay naaalala ko ang malamig maniyang titig sa akin. Hindi 'yon ang titig ng nakilala kong Stanlee. Hindi 'yon ang nakabisa kong titig.

Sa kalagitnaan naman ng pagpapahinga ko ay may narinig akong kumatok sa aking kwarto. Ayaw ko sanang buksan pero bigla ko na lamang narinig na kusang bumukas na ang pinto. Bumungad si Ate Clara sa akin na nakapamewang habang hawak ang isa pang susi ng aking kwarto.

"Anong nangyari?" tanong niya sa akin. Nagkibit balikat lang naman ako sa kanya.

"Sabi ni Mama maiyak-iyak ka raw pagdating mo. Bakit?" Muli na lamang akong humiga. Pero hindi nasiyahan si Ate sa hindi ko pagsagot sa kanya kaya nakisiksik siya sa aking higaan para intrigahin ako.

"Cara, hanggang ngayon.. ganyan ka pa rin? Bakit ba ng sungit mo palagi?" nanliliit mata niyang tanong sa akin. Wala lang talaga ako sa mood ngayon para sagutin ang mga bagay-bagay. Nakakasawa na.

"Gusto mong hulaan ko na lang kung anong nangyari?" medyo natatawa pa niyang sabi. Napailing nalang ako sabay ipit ng aking mukha sa unan. Simula noong naging sila ni Kuya Tian ay naging masiyahin si Ate Clara to the point na minsan ay nakakainis na.

"Nadapa ka habang nagjojogging?" narinig kong sabi niya. Hindi ako sumagot. As if namang iyakan ko 'yon. Ano ba naman 'yan! Ang sarap itulak ni Ate sa higaan, eh.

"Gusto mo na sigurong bumalik sa States. Namimiss mo 'yong jogging place mo ron. O kaya mga friends mo.. o baka may boyfriend ka roon tapos hindi siya nagtetext ngayon at nahihirapan na kayong dalawa kasi long distance relationship kayo kahit isang araw pa lang naman kayong nagkakalayo." Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa mga hula niya sa akin.

"Alam mo kung mahal n'yo naman talaga ang isa't isa, Cara.. distance will never be a hindrance. No distance is too far, no time is too long and no other love can break your relationship apart! Tandaan mo 'yan! Pak ganern! Medyo naistress ako sa sinabi ko, ha. Ginogoogle ko pa 'yan bago ako umakyat rito!" naibato ko 'yong unan niya sa kanyang sinabi.

Reyna ng KalokohanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon