Kalokohan 19

3.2K 103 4
                                    

Kalokohan 19

Change is coming


Nakangiti akong lumabas ng gate kasama si Stan. Ang saya ko kasi feeling ko naka-isang kilometro na ang agwat ko kay Kulot. Kahit hindi naman niya ki-nonfirm na may labanang nagaganap sa amin ay damang-dama kong mayroon.. mayroong kalabanan at tensyong namamagitan sa aming dalawa.

Humarap ako kay Stan at napansin kong pinipindot niya ang kanyang cellphone. Lumapit ako sa kanya at pinuna ko 'yon. "Tine-text mo na si.. Kulot?" tanong ko habang nakangiti. Napakunot naman ang kanyang noo.

"Kulot?" pagtatakang tanong niya. Tumango naman ako.

"Hindi Kulot ang pangalan niya, Cara. Weina.." natahimik ako bigla sa sinabi niya. Edi Weina kung Weina! Weina pala ang gusto mo, e.

"Okay." sagot ko nalang. Pero seryoso nga, tinetext niya na ngayon si Kulot--este Weina?

"At tska.. hindi siya ang tinetext ko. Tinetext ko ang mama niya. Sanay kasi 'yon na ako ang kasamang umuwi ng anak niya, e." para namang narinig niya ang tanong sa utak ko dahil nasagot na kaagad ang nais kong itanong. Napatango nalang ulit ako at pasimpleng ngiti. Nilagay ko ang kamay ko sa bulsa ko at sumunod nalang sa kanya.

"At ano nga pala ang pag-uusapan natin ngayon? Kasi sabi mo kay Kul--Weina.. ano.. may pag-uusapan tayo." napatigil siya sa paglalakad at muling humarap sa akin. Napakagat naman ako ng labi sa titig niya.

"I thought we're going to talk about change. Because change is coming." sabay halakhak niya. "It's important for you, Cara.. you know." dagdag niya pa. Napataas naman ang kilay ko. So he's really serious about that change, huh?

"Talagang number one pusher kita sa pagbabago ko ah." biro ko pa. Natawa lang naman siya at napailing.

"Tara na nga. Let's talk about that, later." at hinawakan niya na ako sa kamay ko sabay hinila. Nagpatianod nalang ako habang tinitingnan ang kamay niyang nakahawak sa akin. Darn,  naninibago lang siguro ako!

Napansin ko na lang na nasa tapat kami noong motor niya. Nanliit ang mata ko habang siya naman ay umuupo na roon. Inumpisahan niya nang paandarin ito. 

"You mean.. diyan ako sasakay ulit?" medyo kabado ko ulit na tanong. Napatitig naman siya sa akin at ngumisi. "Is there any problem, Cara?" halos mamula ako sa tanong niya.  Naalala ko bigla 'yong first time kong sumakay sa motor niya noong nadali ako ng mga kaibigan niyang bully.

"Wala naman.. Okay lang." pangiti-ngiti ko pang sabi kahit sa totoo lang..ay parang nagkakarera na ang puso ko sa kaba. Hindi ko nalang 'yon ininda. Huminga ako nang malalim bago sumakay. Inabutan niya pa ako ng helmet. Sinuot niya ang kanya at ganoon rin ang ginawa ko sa akin. So, ready na ready na ang lahat.

Noong umandar na ay napapikit ako. Pero agad din akong napamulat kasi hindi naman katulad noong unang beses niya akong pasakayin dito na para kaming hinahabol ng kung ano. Medyo light lang ang pagda-drive niya ngayon.

Bigla namang may pumasok sa isip ko na katanungan. Sumandal ako ng kaunti sa kanya para marinig niya ako.

"Stan.. palagi mo bang dala 'tong motor mo? Ibigsabihin, nagmomotor lang kayo ni .. Weina umuwi?" sabi ko sa kanya. Halos mapatigil pa ako sa pagbigkas ng Weina dahil nasanay akong Kulot ang tawag ko sa kanya. 

Hindi ko naman maintindihan ang sinagot niya sa akin dahil sa hangin na sumasalubong sa amin. Pumikit nalang ulit ako dahil papalakas na naman ang hangin. Feeling ko napapasukan ng kung ano ang mata ko. 

Napamulat na lang ako noong tumigil na ang motor at nasa harap na kami ng bahay ko. Inalis si Stan 'yong helmet niya at napatingin sa akin.

"Hinatid na kita rito kasi baka hanapin ka ni Ate Clara--

"Nako, 'wag mo na 'yon.. intindihin! Hindi naman ako hinahanap noon, e. Paano tayo mag-uusap dito, Stan?" pagtataka kong sabi. Magulo ang bahay. Halos kalat-kalat pa roon 'yong mga boxes na pinaglalagyan ng prutas.

"Is it okay if we talk here? Wala naman sigurong masama?" napababa ako sa motor at hinanap ko ang susi sa bag ko. Tumango ako sa kanya at pi-nark niya nalang rin ang motor sa harapan namin. 

"Nga pala, doon sa tanong mo kanina..I just want to clarify. Bihira ko lang dalhin 'tong motor since bawal naman sa malayuan. Hindi pa legal age, e. Dinala ko lang 'to ngayon kasi expected na mag-uusap tayo at baka wala tayong masakyan.." natigilan ako sa pagbubukas ng gate sa sinabi niya.

"P'wede naman tayong magtricycle..pero.. seryoso? Hindi 'yan ang sinasakyan n'yo ni.. Weina?" napansin ko naman ang pagkagulat niya sa tanong ko.

"Hindi. She's afraid of riding motorcycle. Bakit mo naman natanong?" bigla akong napaiwas sa tanong niya. 

"Duwag ka talaga, kulot.." mahinang bulong ko. Ngumiti ako sabay tinaas ko ang kamay ko. "Bukas na ang gate!" tiningnan ko si Stan na may ngisi pa rin sa aking labi. Gulat pa rin ang ekspresyon niya sa kanyang mukha.

"Pasensya na kung marumi sa loob ha.." tumango naman siya sa akin. Pagkapasok naman niya ay pinaupo ko siya sala. Nagpaalam muna ako sa kanya saglit para mapaghandaan ko man lang siya ng pagkain. Halos mataranta pa ako kasi wala akong maisip na ipakain sa kanya. Mabuti nalang ay may tinapay at juice na nakahanda roon.

"Wala pa ba si Ate Clara?" tanong niya paglabas ko habang dala ang tray ng juice at tinapay.

"Nag-abala ka pa.." mahiya-hiya niya pang sabi. Napapakamot pa siya sa ulo niya. Well, dapat talaga akong mag-abala, Stan. You know.. kasama 'to sa mission. 

Inabutan ko siya ng juice at pinakuha ng tinapay. Noong una ay ayaw niya pang kumuha pero napilit ko rin naman siya.

"So what's the plan?" tanong ko sa kanya. Nagkibit balikat lang naman siya sa akin! Ghad, akala ko alam niya kung paano ako tutulungan! Wala ka rin pala, Stan. Shit! Kung hindi lang ako nagbabaitan sa iyo.. baka namura na kita! Sayang oras, e. 

"How do you want to change? Through what?" halos mapasapo ako sa aking ulo sa kanyang tanong. Nakakabobo! Ano bang tanong 'yan, Stan Lee! Parang pang-grade but i don't know how to answer it. Do I really want to change then? That's the real question.. pero dahil kailangan ko siyang sakyan.. I need to answer him with a smile nalang. Para iwas salita.

"Ano? Nakaisip ka na ba kung paanong paraan ka magbabago?" tanong niya ulit. Umiling ako sa kanya sabay inom ng juice. Wala akong alam sa pagbabago, Stan. Pero sa panloloko, marami akong alam. At biktima ka roon.

Napahawak siya sa kanyang sentido at muling nag-isip.

"Hmm. I'm thinking if what if i'll give you a dare.. which can help you to change?" huminga ako nang malalim sa kanya. Seryoso naman siyang nakatingin sa akin.

"What kind of dare then?" tanong ko naman. To be sure s'yempre! I need to know if what kind of dare is that before I say yes!

"Ahuh! I'll give you a never-ending dares.. that will motivate you to change! Kapag hindi ka pa nagbabago.. hindi matatapos 'yong dares!" napakunot naman ang noo ko sa kanyang sinabi. Dare.. fuck dare! Ganyan ba siya kadesperadong baguhin ako?!

"What's the prize? Meron ba? Kung wala.. edi ayoko--

"Hindi pa ba sapat 'yong magbago ka as a prize?" napaisip ako sa tanong niya. S'yempre, hindi! Alam kong 'yon ang sagot ko.. alam ko sa sarili kong hindi sapat 'yon as a prize.. and never atang mangyayari ang pagbabago na hinahangad nilang lahat. Hindi ako nakaimik sa sinabi niya kaya nagsalita na ulit siya.

"Okay.. if you accomplish all that dares and then you change instantly, you're going to choose or pick your prize.. any prize you want, Cara." nakangiti niyang sabi.

Seriously? Any Prize?! Then this would be exciting! One of a heck.. adventure! 

"Deal!" I said with full of excitement in my eyes. Hindi nalang isa ang challenge ko ngayon.. kundi dalawa na. To show to Weina or Kulot that she's wrong.. and to discipline myself, pretend that I actually change even I am not or I cannot. 

I'll accept all the challenges with wide arms open! Afterall, I am Cara Valeria! I can do this! Hail to the Queen of Kalokohan!



Reyna ng KalokohanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon