*Chapter One

18 0 0
                                    

Jeff and Phia
Book 1

Chapter One

Manila International Airport.

"Babalik ka di'ba?" Tanong ni Phia sa akin. Sampung taon lang siya noon. Ako naman ay magfo-fourteen na.

"Oo naman. Babalik ako."

Pumalahaw siya ng iyak at yumakap sa akin.

Hindi ko alam kung bakit ganun ang reaction niya. Parang bigla din kinurot ang puso ko. Ayoko pa sanang umalis. Ayoko pang umalis kasi hindi ko pa nasasabi sa kanya. Kasi ang bata pa niya para maintindihan yung nararamdaman ko para sa kanya.

Isu-surprise ko si Phia ngayon. Highschool graduation nila ni Maui at ng mga ka-barkada niya. Sana naman ay walang nabanggit ang magaling kong kapatid tungkol sa pag-uwi ko. For good na din ito dahil hindi ko gusto ang curriculum sa US. Kahit papaano naman ay nakapagtapos na ako ng Pre-Med course doon.

"Kuya! Nasaan ka na ba?" Aburido na si Maui. Kanina niya pa siguro ako hinihintay.

"I'm almost there, Maureen. Did mom bring the flowers?"

"Of course! Sayang ang Macbook pag hindi kita sinunod, di'ba?"

"Nasa PICC na kayo?" Tanong ko sa kanya.

"Oo, malapit na din magsimula ang program kaya bilisan mo!"

Ngumiti ako. Mas lalo akong na-excite na makita siya.

Madilim na nang makababa ako sa harap ng PICC. Sinalubong ako ni Kuya Rey sa may lobby para kunin ang bagahe ko.

"Naks! Tisoy ka na, Jepoy ah!"

Ngumiti lang ako at tinapik siya sa balikat, "Mamaya na po yung pasalubong ko sa'yo, Kuya Rey. Hahanapin ko pa po sila Mommy."

Malapit na ako sa pintuan ng Hall na pinagdausan ng graduation ceremonies nila nang tumawag sa akin si Mommy.

"Mom, I'm outside. Can you sneak for a moment to see me?"

"Sige, anak. Lalabas na ako."

Ilang minuto lang matapos naming mag-usap ni mommy ay nakita ko siyang lumabas sa pinto ng Hall.

"You're so gwapo, anak

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"You're so gwapo, anak. What did US do to you?" Nakangiting sabi ni Mommy. Mahigpit niya akong niyakap.

Yearly naman kami nagkikita pero mukhang nanibago siya sa pormahan ko. Bago ako umalis papunta sa US ay t-shirt at pantalon lang ang alam kong isuot. Ngayon, suot ko ang isang white shirt na pinatungan ko ng dark gray coat na katerno din ng pants ko. Suot ko din ang white sneakers na regalo ni mommy sa akin noong huling punta niya sa US.

"Mom, nothing has changed. It's still me." Ngumiti ako sa kanya at yumakap.

"Let's go inside. Malapit na magmarch sila Maui."

Jeff and PhiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon