Chapter Twelve
"Bakit may pa emergency meeting ka pa ghorl?!" Tanong ni Eila. Pinaderecho kasi kami ni Maui sa UST dahil may sasabihin daw siya.
"Oo nga, pwede naman sa GC." Sabi ni Angge. Andito rin kasi ang mga Peyu girls.
"Kasi nga... Birthday na ni Kuya next week! Naguguluhan ako kung ano gagawin namin." Sabi ni Maui.
"Tch! So simple naman your problem. Pagsuutin mo ng bunny suit si Phia, tapos ibalot mo sa malaking kahon, tapos pasayawin mo ng dirty dance." Sabi ni Lovi.
"Gagi ka talaga, Lovi." Sabi ko.
"Ganito na lang. I-surprise na lang natin si Jeff sa condo niya. Tapos magdecorate na din tayo." Sabi ni Cheska.
"Ayaw nga ipahiram sa akin yung susi." Sabi ni Maui.
"Edi si Phia!" Sabi ni Yvet.
"Ha? Paano ko naman gagawin yun?"
Naka-isip naman si Alie ng magandang plano.
~*~
"Sorry. Na-late ako ng labas." Sabi ko kay Jeff. Sana naman ay hindi niya mahalata ang plano namin para sa birthday niya bukas.
"It's okay. Nagkita kami ni Colbin kanina diyan sa Arcade." Nagtataka siyang nakatingin sa travelling bag na dala ko.
"Ah..." Okay! Here goes Plan A! "Remember nung nagyaya ka sa akin last time na... M-Mag-Staycation tayo sa Azure."
"Yeah... Why?"
"Can we...?"
"Uhm, sige. Tatawagan ko lang si Apples." Bumaba siya sandali para kausapin si Apples. Nagmadali naman akong hanapin yung susi ng condo ni Jeff sa sling bag niya. Naka-abang na kasi sa di kalayuan si Maui. Nakasuot pa ito ng shades, baseball cap at naka-varsity jacket para hindi makilala ni Jeff.
"Yan, yan yun Phia, dali!" Sabi ni Maui habang naghihintay sa may bintana ng kotse. Kaagad kong binigay sa kanya ang susi bago pa makabalik si Jeff sa kotse.
"Who's that?" Sumilip pa sa rear view mirror si Jeff para icheck kung nasa likuran pa ng kotse yung tao na nakita niya which happened to be Maui.
"C-Classmate ko sa Sociology. Nanghiram lang ng notes."
"Ah..." Napansin niya na hawak ko pa ang sling bag niya. "Do you need anything? Bago tayo pumasok sa Azure."
"Uhm... Toiletries lang. I'm looking for your spare phone. Magtetext sana ako kay Mommy." Sabi ko at ibinalik sa kanya ang sling bag niya.
"Here..." Nasa bulsa niya pala iyon. Iba kasi ang personal phone niya at phone niya sa trabaho.
"May duty ka bukas?"
"Meron sana... Pero pinakiusapan ko na lang si Dave na mag-relieve sa duty ko."
"Ah... Let's go?"
"I thought you're going to buy toiletries pa?"
"Y-Yeah..."
"Stay here, ako na lang ang bibili."
"Sige..." Sabi ko. Pero sa totoo lang may dala na ako.
~*~
Ang lalim ng iniisip ko habang nasa biyahe kami. Cheska tried to cover up for me telling Kuya Aian na mag-oovernight ako sa kanila. Yun din ang paalam ni Tricia kay mommy. Ngayon, nagdadasal ako na wag makahalata si Kuya dahil paniguradong tatawag yun kay Cheska para hanapin ako.
