Chapter Forty Two
That’s the dare… Take it or leave it…Hindi ako makapaniwala sa narinig ko kay Phia. Maybe a lot has changed. Maybe the pain I caused her made her change this much.
It’s an open-end relationship. Yun ang gusto niya. Magiging kami pero walang commitment. I will be given a chance but I cannot demand anything from her. And she will do the same.
It’s never Phia’s nature to have this kind of relationship. Kaya hindi ko inakalang hahamunin niya ako ng ganito.
She’s free to do whatever she wants.
Hindi rin ito ang tipo ng relasyon na gusto ko. Pero paano nga ba?
“Yung agreement na sinasabi mo. It’s a bit risky. But I want to try it. It’s better than nothing.”
Nagulat siya. Umiwas siya ng titig akin.
"O-Okay then. Let's try it."
Seryoso ba talaga siya dito?
~*~
Sama sama kaming naglunch. Katabi ko si Phia sa pwesto. Napansin kong nagbubulungan sina Angel at Reign habang nakatingin sa amin.
"Okay na ulit kayo?" Tanong ni Aian sa amin.
"Okay na kami noon pa." Sagot ni Phia.
"Talaga ba?" Tanong naman ni Luis.
"Bro..." Ako ang sumagot kay Luis.
"Well, dapat pala talaga tayong magcelebrate mamaya? Para sa comeback ni Yvet at sa comeback ng JheiPhia!" Sabi naman ni Drex.
"Maipilit mo lang talaga, Aldrex!" Sabi ng girlfriend nyang si Eila.
Natatawa lang ako sa mga comments nila.
After maglunch ay kanya-kanya na kami ng lakad. Hinayaan muna nila kami ni Phia na magkasama.
"Anong gusto mong gawin?" Tanong ko sa kanya.
"I want to sleep."
"Sinumpong ka na naman ng pagka-introvert mo." Sabi ko sa kanya.
"Para may mood ako for the party later."
"So, party girl ka na din?"
"Party girl naman ako when I'm with my friends."
Hinawakan ko ang kamay niya habang naglalakad kami pabalik sa villa. She did not resist.
"Jeff?"
"Hmm?"
"Bakit ka nga pala sumunod? I thought night shift ang schedule mo this week?"
"I want to be with you."
"Wag kang mag-joke ng ganyan."
"It's not a joke, Phia. I'm serious."
Napahigpit ang hawak niya sa kamay ko.
"I wish ganito tayo palagi. Pwede ba, Phia? Pwede ba ulit?"
"I... In time, Jeff. Everything will be alright when the right time comes."
Nang makapasok kami si villa ay hindi ako nakapagpigil. I cornered her and pinned her.
"Jeff... What are you-"
Hindi ko siya pinatapos magsalita. I kissed her. Wala nang pasabi. I gave in to the urge.