Chapter Sixteen
"Ugh!!! Male-late daw si Drex! Kakairita!" Naiinis na sinabi ni Eila.
"Eh, sino na daw susundo sa atin?" Tanong ko, sana pala ay sumabay na lang ako kina kuya.
Nakita kong papasok ng coffee shop sina Luis at Jeff. Hindi ako umimik. Kinuha ko tuloy ang cellphone ko at nilibang kunwari ang sarili ko para hindi sila mapansin.
"Kaya ang papayat niyo eh. Iisang pirasong cake na lang di niyo pa maubos dalawa!" Napalingon si Eila sa nag-react. Hindi naman ako makatingin dahil kilala ko na kung sino ang kasama niya.
"So, ikaw na naman ang inutusan ng magaling kong boyfriend para isalba kami?" Sabi ni Eila sa Kuya Luis niya.
"Bakit naman hindi? Sino pa bang ibang susundo sayo?"
"Whatever!" Umirap si Eila sa kuya niya.
"Jepoy, upo na dun!" Ini-nguso ni Luis ang upuan sa tabi ko.
He chuckled, "Bili lang akong kape."
"Libre mo?"
"Yeah. Maupo ka na dyan."
Pagbalik ni Jeff ay may dala na siyang dalawang kape at dalawang frappe.
"Naku naman, Jepoy. Nag-abala ka pa! Hindi ko naman sinabing dagdagan mo na rin ng cheesecake!" Tumatawang sabi ni Luis.
"Hindi ko naman sinabing sayo yan." Nang-aasar na sabi ni Jeff.
Hindi kasi ako nakatingin sa kanila dahil nagb-browse ako ng photos sa Insta account ko. Bahagya naman akong siniko ng kung sino man ang nasa tabi ko. Si Jeff na pala yun. Inilagay niya sa harapan ko ang slice ng cheesecake.
"Eat."
"T-Thanks..."
Hinintay namin sina Tricia at Reych. Susunod naman daw si Yvet dito dahil gusto niyang kasabay si Luis.
"Kuya, nasaan na ba si Yvet? Gagabihin na tayo sa daan." Naiinip na si Eila. Naiinip na din ako.
"Mauna na kaya kayo nila Jeff? Dala naman ni Jeff yung Fortuner nila, kasya kayong lahat dun!"
"Ayokong maging third wheel!" Naghands up kaagad si Tricia.
"Hindi ako sasabay kasi may gusto akong magkaayos eh." Kinindatan ako ni Reych.
"Yung Innova namin ang dala ni kuya. Kaya kasya kami dun. Di'ba, kuya?" Nakangisi namang sabi ni Eila.
"Hmm... Pwede rin naman palang mauna na kayo ni Phia, Jepoy."
"Okay. Madali akong kausap." Sabi ni Jeff at tumayo. "Shall we, Phia?" He cocked his head para pasundin ako sa kanya. Nagmadali tuloy akong kunin ang mga gamit ko dahil hanggang linggo ng umaga na kami sa Tagaytay.
Paglabas ko ng coffee shop ay naghihintay na siya sa tapat ng kotse.
"I thought Fortuner ang dala mo?" Tanong ko kay Jeff.
"Niloloko ka lang ni Luis." Pinagbuksan niya pa rin ako ng pinto. "Give me your backpack. Ilalagay ko sa trunk."
"Ako na lang. May mga babasagin kasi dito sa bag."
"Then, dito na lang siguro natin ilagay sa likod."
Napailing na lang ako nang makita ko ang backseat ng kotse ni Jeff. Magulo ito at hindi na nao-organize. Hindi katulad dati na kapag pumupunta siya sa bahay ay ako ang nag-aayos ng mga gamit sa backseat niya. Hindi ko tuloy namalayan na nakasakay na pala siya sa driver's seat.
"Sorry. Ang kalat." Pina-andar niya na ang makina ng kotse at nauna na kaming umalis.
Nakakabingi ang katahimikan. Gusto ko sanang mag-initiate ng conversation pero wala naman akong mai-open sa kanya.