*Chapter Seventeen

12 0 0
                                    

Chapter Seventeen


Maaga naming nasimulan ang practice kasama si Angge. She proposed to us na bigyan ng twist ang birthday party niya. Mahilig daw kasi manood ng KDrama at Chinese Drama si Angge.

"Sino 'to?" Nagbunutan kami kung sino ang ipoportray namin sa special dance number niya.

Tinignan naman ni Xander ang hawak ko. "Si Park Hyung Sik? Sakto! Crush na crush yan ni Phia!"

"Sino ba 'to? Chinese ba 'to o Korean?"

"Google mo kasi!"

Nagsearch nga ako sa google gaya ng sabi ni Xander. Napangiti naman ako. Kaya pala madalas niya sabihin na kamukha ko 'to, pareho kami ng pagka-singkit ng mata pero magkaiba ng ilong at tenga.


Naisipan kong magtext kay Phia.

📲
Baby

Hi, Baby!

Baby ka dyan!

I missed you.

Agad agad?

Open your Facetime. VC tayo.

Later po.
Nasa labas kami ni Maui.

Why?

Wala lang.
Nagyaya sila lumabas.

Sumama ka?

Of course, niyaya ako eh.

Sige. Ingat kayo.
See you later!
I love you.

********



Nakatatlong ulit kami ng rehearsal. Madali lang naman ang steps dahil sa Tiktok daw kinuha lahat. Mga bandang alas diyes naman daw magsisimula ang rehearsal para sa cotillon.

Nakaupo lang kami sa improvised stage habang naghihintay sa mga girlfriends namin. Marami din naman akong nakilala. Mga boyfriends ng kaibigan nila Maui at Phia.

"Game, mga oppa? Nasaan na ang mga girls?" Sabi ng choreographer.

"Sandali, itetext ko lang sila." Sabi ni Angge.

Sakto naman ang dating nila. Napangiti ako nang makita si Phia. Naka-kulay old rose na skirt na above the knee ang haba tapos ay naka plain white blouse. Suot nya naman ang puting sneakers na niregalo ko sa kanya. Mukhang lahat sila ay may dalang pagkain. Nagtake out siguro sila sa fastfood para dito kainin.

"Ok, mga beshiewaps! Let's start." Sigaw ng baklang choreographer na siya ding nagturo ng sayaw sa amin kanina.

Naaliw ang mga girls sa sayaw. Sa umpisa lang pala kasi may waltz pero paglampas ng isang minuto ay panay tiktok dance na rin ang sayaw. Kahit si Phia ay natuwa dahil alam niya ang ibang steps sa mga isinayaw namin kanina.

"Okay. Let's have 20 minutes break. Practice ulit mamaya, ha?" Sabi ng choreographer namin.

Inabutan ko si Phia ng tubig.

"Thanks." Ngumiti lang siya sa akin at uminom.

"Saan kayo galing kanina?"

"Nagtake-out lang ng pang-lunch mamaya."

"Hindi niyo kami ibinili?"

"Ibinili, of course!"

"At may initiative na pala si Maui ngayon?"

"Grabe ka sa kapatid mo!" Pinagalitan niya ako.

"Hindi naman, napapansin ko kasing mas nagmamature na siya ngayon."

Jeff and PhiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon