Chapter Thirty One
Mabuti na lang at mag-isa lang ako sa doctors' quarters ngayong umaga. Kanina pa kasi ako nagdadabog sa sobrang inis."Agang init ng ulo yan ah?" Napansin pala ako ni Apples pagpasok niya sa loob.
"Yeah, right!"
"LQ na naman ba kayo?"
"Hindi naman. May hindi lang pagkakaintindihan."
"Dahil ba dun sa asungot na sinasabi mo?"
Hindi ako nakasagot.
"Selos na selos ka, eh ikaw naman ang mahal, di'ba?"
"Takot lang ako."
"Na alin?"
"Takot lang akong maagaw siya sa akin."
"Possessive ka na ngayon? Heck! Jepoy! Anong ginawa ni Phia sayo?" Natatawa niyang tanong.
"Nothing."
"So, hindi na matigas yang puso mo?"
"Grabe ka naman. You know me when it comes to Phia."
"Yeah, nagiging submissive ka na."
"No... That's not it..."
"Eh ano?"
"Ayoko lang ng away."
"Pero nag-aaway din naman kayo dahil sa pagseselos mo?"
"Hindi naman..."
"Naku... Wag mo na ideny, no?"
Napa-iling lang ako sa sinabi ni Apples. I was never submissive, ever. Kaya hindi ako magaling manuyo.
Muntik na kaming mag-away nung gabing hindi ko siya nasundo sa school. Nagkaroon kami ng emergency meeting. Sinabi niyang magpapasundo siya sa driver nila pero sinabi ni Ninang Lily na nagmagandang-loob daw ang kaklase niya na ihatid siya sa bahay.
At sino pa nga bang kaklase niya ang gagawa nun kundi si Brent.
"Oo nga. Hinatid niya nga ako. Instead na maghintay pa na makarating si Kuya Sonny, ihinatid ako ni Brent because he will not accept a 'no' from me."
"Eh bakit hindi ka kaagad nagsabi sa akin?"
"I tried to... Pero ayaw mo akong kausapin!"
"Ghad! When?! You know I will always listen!"
Hindi na siya sumagot. Nakita ko na lang siyang nagpupunas ng luha.
"Tch! Sorry na..." And yeah... Totoo nga ang sinabi ni Apples. Palagi na lang akong nagpaparaya pagdating kay Phia.
Hindi pa rin siya sumagot.
"Love, sorry na. I'm just upset." Nakarating na kami sa kanila. I turned off the car's engine at sinubukan na makapag-usap kami ng matino.
"No, you're not upset Jeff. Wala ka lang talagang tiwala sa akin." Kinuha niya ang mga gamit niya at bumaba ng kotse.
~*~
"Deadmahan pa din?" Tanong ni Xander sa akin.
"You bet..." Napa-inom ako ng beer. "Galit pa rin eh."
"Hindi yan galit, may tampo lang yan. Yun nga lang, hindi nagpapasuyo sa ngayon yung level ng tampo niya."
"I'd let her realize..."