Chapter Twenty
"So... May napili ka na ba?"
Nakatatlong balik na yata sa akin si Rustee na fashion designer na kakilala ni Tita Lorraine.
"Sofee... Ano na? Nabuklat mo na lahat ng designs ni Rustee." Sabi sa akin ni Tita.
"Auntie, sinabi ko na nga kay mommy na hindi ako mag-ga-gown." Wala ako sa mood mamili. Hindi ko naman kasi talaga feel na magsuot ng gown sa 18th birthday ko.
"Pero this is only once in a lifetime, hija."
"Why not just buy na lang sa divisoria?" Mas mura pa! Kesa naman dito na thirty thousand for a simple silk gown na wala man lang beadworks.
Napataas ang kilay ni Rustee. Tumayo si Tita Lorraine at kinausap sandali si Rustee. Nakita ko naman na papasok si Jeff sa botique. Sinabi niya kasing susunod siya para maihatid kami ni tita sa bahay.
"You're not in the mood today, aren't you?"
"Yeah." Maikli kong sagot.
"Gusto mo bang magcoffee muna?"
"Magpapaalam lang ako kay Tita."
Naglakad-lakad kami sa Uptown Mall. Mukhang magpapaiwan pa si Tita Lorraine dahil may client meeting daw siya ng alas kwatro. Mabuti na lang talaga at pinasunod ko si Jeff.
"Bakit wala ka sa mood kanina?"
"Wala. Yung sa gown lang kasi."
"What's with the gown?"
"Forty thousand lang naman. Goodbye forty thousand sa isang gamitan."
"Well, impractical nga. You should have told them you don't want it."
"Kilala ko si Tita Lorraine. She won't take 'no' for an answer."
"Edi sana, tumawad ka na lang."
"Tawad? Ano yun, divisoria?" Natatawa kong sabi sa kanya.
"No... I mean, hindi ka na lang humiling ng regalo sa tita mo, instead of her buying you an expensive gown."
"Sounds good! And may naisip ako!"
"Okay, what's that?"
"May medical mission kayo sa Saturday, di'ba?"
"Yup. Then, birthday mo kinabukasan nun."
"I'll donate foodpacks for the kids."
"Seryoso?"
"Yeah. Maiba naman."
"Wow! Nakakatouch!" Nakangiting sabi ni Jeff. "Matutuwa yung mga bata."
Nabanggit kasi sa akin ni Jeff na sa isang orphanage sila magkakaroon ng medical mission. Kaya nagpasya na lang akong humingi ng pera kay mommy para idonate sa mga bata sa ampunan.
"Gagi! Sinabi mo dapat ng maaga. Gahol tuloy tayo sa oras ngayon!" Sabi ni Tricia.
Namakyaw din kami ng grocery sets para ipamigay sa isang baranggay na dadaanan din nila Jeff sa sabado. Buti na lang at to the rescue ang barkada. Sa bahay na kami nagpack ng grocery na dadalhin sa sabado.
"You're really coming of age, anak." Sabi ni mommy sa akin at niyakap ako. Nasa kusina kami noon. Tinulungan ko magtimpla si Ate Irine ng juice para ipameryenda sa mga kabarkada ko.
"Mommy naman..."
"Your dad and I are proud of you. Nakakataba ng puso."
"Sabi ko naman kasi sa inyo. Ayoko ng engrandeng celebration."