*Chapter Five

8 0 0
                                        

Chapter Five

Sandali akong nagpaalam kay Tita Annie. Iniabot naman nito sa akin ang take home cookies ko.

"Are you mad?" Naglakad na lang kami pauwi ni Jeff. Four blocks away ang layo ng bahay nila sa bahay namin. May kalayuan pero mukhang sinadya ni Jeff na maglakad na lang kami.

"Nope. Why would I be?"

"Hindi ka umiimik."

"Sorry."

"Fine!" Napabuga sya ng hangin. "I like you! Eversince..."

"Like...?"

"Bata ka pa kasi nun! Hindi pa nga kita pwedeng ligawan. Saka sabi ng kuya mo, wag muna!"

Pinipigilan kong matawa sa expression ng mukha niya. Nakakamiss talaga 'tong si Jeff. Nakakamiss makita ang ganitong mukha niya- yung mukhang seryoso pero nahihiya. Hinarang pa niya ako para kausapin, tapos ngayon ay nakayuko naman siya.

"Galit ka ba?" Mahinahon kong tanong sa kanya.

"H-Hindi naman."

Nakarating kami sa bahay nang hindi na ulit nag-usap.

"Ikaw, galit ka ba?" Tanong niya naman sa akin.

"Bakit naman ako magagalit?"

"Panay alibi ako e."

Ang sabihin mo, torpe ka talaga!

"No. Hindi ako galit."

Nakita pa kami sa labas ng helper namin na si Ate Irine. Pinapasok ko na muna siya. Dala niya din kasi yung mga eco bags na naglalaman ng regalo at pasalubong niya sa akin.

"Paano, magkita na lang tayo bukas?" Tanong ni Jeff.

"Hmm, sige."

"Susunduin na lang kita dito bukas, para hindi ka na din maglakad."

Ngumiti lang ako. Maya-maya naman ay nagulat ako sa ginawa niya. Bigla kasi siya yumuko at hinalikan ang pisngi ko.

"I'll text you when I get home." Nginitian niya naman ako bago siya lumabas ng bahay.

FLASHBACK

Magkausap kami sa skype ni Jeff. Kumakain siya ng dinner, ako naman ay nasa bahay. Hindi kasi ako nakapasok gawa ng lagnat ko.

"Dad?"

Mukhang tinatanong siya ni Tito Joey kung sino ang kausap niya sa phone.

"It's Phia. Magkausap kami sa skype."

"Nasabi mo na ba?"

Tumawa si Jeff. "Not yet, Dad."

"Hmm... Mahina ka. Baka maunahan ka niyan."

Tumawa lang ulit si Jeff.

END OF FLASHBACK

Hindi ko alam kung bakit naiilang ako paminsan-minsan sa kanya. Siguro baka dahil sa hindi kami magkasamang lumaki. Or maybe time set us apart. Madalas naman kaming magkausap sa chat. Madalas din kaming magvideo call. Hindi rin siya nakalimot tumawag every birthday ko.

Jeff did everthing to reach out. But why did he have to deny his feelings for me. Tapos, eto siya ngayon, aaminin niya sa akin na may gusto siya.

This confuses me a lot.

__________

📩
Jeffrei

Seryoso ako. Gusto kitang ligawan. Hindi ko lang alam kung paano.

Jeff and PhiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon