Chapter Twenty One
"Tired?"Nakatulog na si Phia sa biyahe namin pabalik sa Manila. May bibisitahin pa sana kaming baranggay pero hindi na natuloy dahil lumakas ang ulan. Idedeliver na lang ng ibang groupmates namin ang food at grocery packs sa kanila.
"Yeah. Medyo."
"Mag-stopover mamaya sa SLEX. What do you want to eat?"
"Kahit ano."
Humilig siya sa balikat ko at yumakap. Pagod nga siguro siya. Mas gugustuhin niya na lang matulog kesa kumain.
Ang hindi niya alam ay dederecho kami ng Baguio mamaya. Yun kasi ang plan ng mommy niya. Bata pa kasi nang huling makarating si Phia doon. Hindi niya nababanggit sa akin pero naikwento ni Ninang Lily na sinabi daw ni Phia na gusto niyang bumalik ulit sa Baguio pag kasama niya na ako.
Nagstopover kami sa SLEX bago maihatid ang iba naming groupmates sa alabang. Napick-up na rin namin ang iba niyang mga kabarkada sa Manila. Ngayon naman nasa NLEX na kami.
"Nasaan na tayo?" Nagtataka niyang tanong nang magising siya."NLEX na."
"Hala! Saan tayo-"
"Ssshhh! Ang ingay mo, Phia." Sabi ni Tricia na nasa likuran ng seat namin.
"Saan tayo papunta?" Bulong niya sa akin.
"You'll know when we get there."
"Seryoso ka?!"
"Wag kang maingay, natutulog sila o!" Natatawa kong sabi.
Nagtataka rin siguro siya na kasama na namin sina Aian sa sasakyan."Sinundo ba sila kanina?" Tanong ulit niya.
"Yeah, dinaanan natin sa may ATC sina Aian."
"Ganun katagal ang tulog ko?"
"Hmm, medyo matagal nga. Naghihilik ka pa nga eh."
"Nakaka-inis!"
"Bakit?" Natatawa kong tanong.
"Hindi mo man lang ako ginising!"
"Gutom ka na?"
"Oo..."
Sabi na nga ba! Mabuti at nagpatake out ako ng food kanina kay Apples.
"Burger and fries?"
"Sure. That will do."
"Diet?"
"Gutom lang."
Tumawag naman sa phone ko si Tita Lily.
"Hello po, Tita?"
"On the way na ba kayo, Jeff?"
"Yes po. On the way na. Mga three hours pa po siguro."
"Derecho naman ang biyahe. You'll all be here by two and a half hours."
"Nandyan na po kayo?"
"Yeah, kakadating lang namin sa hotel. Kumusta si Phia?"
"Ayos naman po, kumakain po siya ng late dinner niya."
Tumawa si Tita Lily sa kabilang line. "Sige, we'll see you later. Ingat kayo."
~*~
"Grabe, ang sakit sa pwet ng biyahe!" Sabi ni Tricia pagbaba at nag-unat unat. Last stop over na namin bago maka-akyat sa Baguio.
"It's cold!" Sabi ni Phia. Hawak ko na ang isa sa mga ireregalo ko sa kanya.
"Sleeveless pa more!" Iniabot ko sa kanya ang jacket.
"Hala! You bought this?"
Ngumiti lang ako. Naalala ko kasing hindi niya mabitawan yung jacket na yun sa mall. Gusto niya daw bilhin pero wala daw siyang dalang cash. Ayaw niya naman na ako ang bumili para sa kanya. Ang hindi niya alam ay binalikan ko din yun para bilhin at iregalo sa kanya.