Chapter Thirty Two
He kissed you and you liked it!!!"Ate?" Nagulat ako. Nakatulog na pala ako sa may study table ni Aicel.
"Uhm... Sorry..." Kaagad kong inayos ang mga libro at notebooks ko.
"Nasa baba si mommy. Magdinner ka na daw."
"Kumain na ako kanina."
"Lunch pa yun, di'ba?"
"No, nagmeryenda ako kanina."
"Walang bawas yung tinapay sa pantry."
"Nagluto ako ng oatmeal."
"Yeah, right! Magaling ka pa ring magpalusot."
"Lipat na ako sa room."
"Teh...?"
"Uhm?"
"W-Wala..."
"Goodnight." Nginitian ko lang si Aicel.
"You know I'm always here, right?"
"Y-Yeah... I know..."
"Pwede kang huminga sa akin pag sobrang bigat na ha?" Nagulat ako nang yakapin niya ako.
"I'm good." Tinapik ko ang likod niya.
"Nag-... Nagkita na ba ulit kayo?"
"Who?"
"Si... Doc..."
"Hindi pa." Baka nga hindi na rin.
"Kakauwi niya lang galing US."
After nung confrontation namin ni Jeff ay hindi na kami nagkita at nag-usap. Walang formal break up. Bigla na lang nawala lahat. The last thing I heard about him was he left and went to US para magpahinga after ng board exams nila. Tinapos niya lang ang oath taking.
"Bakla! Ano na ang plano?!" Tanong ni Tricia sa akin. "Hindi ka ba pupunta sa despedida ni Kuya?"
"Busy ako. Alam mo naman na malapit na yung graduation."
"Hmm, sabagay. Pero hindi ka man lang ba pwede kahit humabol na lang?"
"Ita-try. But I won't promise."
"Iniiwasan mong magkita kayo, 'no?"
"Ano ka ba, Trish. Halos anim na buwan na din yun. Magmove on na tayo."
"Uhum! Naka-move on ka na nga ba?"
Tinawanan ko lang siya.
"Kasi, sabi niya, magmo-move on lang daw siya kung naka move on ka na."
"Nakakausap mo siya?"
"Uyyy! Curious!"
"Nagtanong lang ako." Pinapagtuloy ko ang pagbabasa.
"Pediatrics pala kasi ang specialization niya sabi ni Maui. Kaya ayun, sa kanya ko pinache-check up si Cassie."
"Ah... Ganun ba?"
"Ikaw, kailan mo papacheck sa kanya yung puso mo?"
"Gagi!" Natawa ako at pabiro siyang hinampas ng throw pillow.
"Naging kayo nga ba ni Brent nung umalis siya?"
"Saan mo naman nasagap yan?"
"Kay Maui! Yun daw ang kwento ni Kaye sa kanya."
