Chapter Twenty Three
"Kinakabahan ako..." Sabi ko kay Jeff habang pababa kami papunta sa hall.
"Why? May problema?" Tanong nya. Kami kasi ang pinakahuling bumaba mula sa hotel room.
"Si Mommy kasi, ang weird. Kailangan pa talaga akong ayusan. Alam namang ayaw kong nagme-make up."
"Sabagay, maganda ka naman kahit walang make up eh."
"Nambola ka na naman."
"Totoo naman. Hindi ako nambobola."
"Aish! Tch! Isa ka pa!"
"Maganda ka nga. Pasalamat na lang talaga na naka-make up ka."
"Huh? Bakit?"
"Wala..." Nakangising sagot niya.
Sumimangot pa rin ako. Kahit si Jeff, ang weird ng kinikilos ngayong gabi.
"Magdidinner lang naman kasi, bakit kailangang ganito pa."
"I think you should smile, mas bagay sayo."
"At bakit?!"
"Because... It's your birthday and I love you."
Napakagat-labi tuloy ako. Hanggang sa binuksan niya ang pinto ng hall. Pagpasok namin ay naka lights off at mga kandila lang sa mga lamesa ang makikita. Pagkatapos naman ay tumugtog ang violin ng happy birthday song. Sabay tapat ng spotlight sa amin ni Jeff. Kumanta naman ang mga nasa loob ng events hall.
"Dun tayo sa harap..." Bulong sa akin ni Jeff at inakay ako papunta sa harapan.
Sabi na nga ba! Ayaw talaga nilang itigil ang surprise plan nila sa debut ko.
"I told you, you should smile." Bulong ni Jeff sa akin nang makarating kami sa unahan.
Hindi pa rin mawawala ang mga 18 roses, 18 candles, 18 well wishers at 18 blue bills. Palihim pa talaga nilang pinlano 'to. Tapos wala talaga akong kaalam-alam sa plano nila.
"So... Success ba ang plano namin?" Inakbayan ako ni Kuya nang lapitan nila ako kasama si Cheska.
"Magaling! Sobrang galing!" Pabiro akong pumalakpak kay kuya.
"Magaling din kaya umarte yang jowa mo."
Napatingin ako kay Jeff. Nagkibit-balikat lang ito.
"Sinabi ko nang ayoko ng surprise pero nagpilit pa din kayo."
"Sis, isang beses ka lang tutungtong ng eighteen. Lubusin mo na, di'ba?"
"Your brother's right. Wag mong isipin ang gastos. Isipin mo yung memories." Sabi ni Jeff.
Ewan ko nga ba. Pag si Jeff ang nagpapaliwanag, ang bilis kong maintindihan.
Paunti-unti nang nagpapaalam pauwi ang ibang guest na kamag-anak ni Daddy. Marami kasi siyang mga pinsan na dito nag-stay dahil sa negosyo. Si mommy naman kasi ay taga Cebu kaya hindi nakapunta ang ilan sa mga kamag-anak namin sa mother's side.
At dahil 18 na ay legal na kaming makakapasok sa bar. Naisipan namin na mag-bar kasama ang barkada at mga boyfriends namin. Pumayag din naman sina Daddy dahil kasama ko naman daw si Kuya.
"Hey, birthday girl. Wag lubusin ang paglalasing ha?" Sabi ni Kuya Xander at pina-shot ako ng tequila.
"I know, right. Maraming pulis oh." Natatawa kong sabi, pero may tama na rin yata ako.
Mahina talaga ang tolerance ko sa alak. Isang bote lang ng san mig light, tipsy na ako.
"Sophia... Lasing ka na." Sabi ni Jeff at kinuha na sa akin ang baso ng cocktail drink. "That's enough." Saway niya sa akin.