Chapter Thirty Three
"Congratulations."Sinabi ko nang walang surprise party pero nagpumilit pa rin sila mommy. Kaya pala after ng graduation ceremony ay sa Laguna kami dumerecho para sa party. Sina Angel, Tricia, at Reign lang ang pumunta sa mga kabarkada ko. Himala din na hindi nila kasama ang mga boyfriends nila.
"Grabe kayo, sinabi ko nang walang party after." Natatawa kong sabi.
"Si Tita Lily talaga ang may pakana nito." Sagot ni Tricia.
"Bakit parang may hinihintay pa kayo?" Pansin ko kasi na kanina pa uneasy si Angge.
"Susunod daw sina Ram kaya hinihintay namin." Sabi ni Reign.
"Magbibihis lang ako. Wait for me ha?"
"Sure. Take your time, Sis!" Sabi ni Angge.
*****
"Huy! Kanina pa nag-aalarm yung phone mo?" Tanong sa akin ni Apples.
"Yeah... Sorry. Naiwan ko kanina. Nagcode blue sa ER eh."
"Graduation nino?"
"N-Ni Mau..."
"Ni Mau or ni-..."
"Ni Maureen, okay?!" Depensa ko. Mangungulit na naman 'tong si Aprilynne kapag nagsabi ako ng totoo.
"Ang suplado mo pag nagui-guilty ka."
"I have to go, Aprilynne. Bukas mo na ako kulitin!"
"Yung flowers, pink tulips ha?!"
"I know, right!"
Napangiti ako kay Apples. How can she remember small details about her.
Dumaan lang ako sandali sa flower shop para ma-pick up yung pina-prepare kong order kahapon. Umorder din ako ng paborito niyang cake sa Caramia. Sasamantalahin ko na 'tong gabing to. It's now or never.
FLASHBACK
"Ang duwag mo!" Natatawang sabi sa akin ni Aian.
"Nahihiya lang ako." Sagot ko at nagshot.
"Dude, wala kayong formal break up. Basta na lang kayo hindi nagpansinan at nag-usap."
"I know. I hated myself for that."
"Eh bakit hesitant ka pa? Naghihintay lang yan o! Pagkakataon mo na ngang makausap."
"Nahihiya ako..."
"Siya dapat ang mahiya for giving up on you, Jeff."
END OF FLASHBACK
Inimbitahan ako ni Aian na pumunta sa graduation celebration ni Phia. From Alabang to Laguna ay halos isang oras din ang biyahe. Mabuti na lang at walang build up sa Pansol kaya nakarating ako ng mas maaga.
"I'm here..." Text ko kay Angge.
Nakita kong lumabas si Angge sa gate ng resort.
"Grabe, ang suplado mo! Kanina pa kaya ako text ng text sayo."
"Sorry. You know I'm driving, right?"
"Wait for my cue, okay?! Imi-missed call kita pag pwede na."
"Alright."
Ipinasok ni Angge yung cake. Ako naman naghintay sa labas.
"Phia, parang may kulang?" Dinig kong sabi ni Angge.