Chapter Twenty Seven
Bigla akong nawala sa mood. Ang ganda na ng moment kanina e."Sophia, are you still with Jeff?"
"Yes, Dad. Pauwi na po kami."
"Gabi ka na naman uuwi?!"
"Dad, nagsabi naman po si Jeff sa inyo."
"It's not an excuse for you, young lady."
Napabuntong-hinga na lang ako. Nagda-drive si Jeff pero alam kong nakikinig siya.
"Let's talk later. Pauwi na po kami diyan."
Napasandal ako sa headrest ng upuan.
"Nag-aalala lang ang daddy mo sayo."
"Why should he be, eh ikaw naman ang kasama ko?!" Naiinis kong sabi.
"Phia, lalake pa rin ako. It's almost midnight, hindi maiiwasang mag-isip at mag-alala ang daddy mo."
"Nag-aalala siyang matulad ako kay Tricia!"
Nagulat siguro siya. Hindi niya kasi alam.
Josh got Tricia pregnant. She just turned nineteen at pagkatapos ng birthday nya lang namin nalaman.
"I'll talk to your dad, gusto mo?"
"No need. Magsasayang ka lang ng effort!"
"I can convince him."
"Na ano? Na hindi tayo magiging katulad nila Josh at Tricia?!"
"Love, gusto lang naman ng parents mo na-"
"Yeah!!! Another expectation from them!"
Natahimik siya. Papasok na kami sa gate ng village at hindi na rin kami nag-imikan.
"Phia..."
"I don't want to come in. Mag-aaway lang kami ni Daddy."
"Let's go na. Ihahatid kita sa loob. Kakausapin ko din si Tito at magsosorry ako." I held her hand.
"And why do you have to?!"
"You went home late because of me, di'ba?"
Hindi ko na siya hinintay na pagbuksan ako ng pinto. Bumaba ako sa kotse niya at nagmadaling pumasok sa loob.
At hindi nga ako nagkamali, nasa living room sila Dad at Mom.
~*~
Palakad-lakad na ako sa kusina. Ipinagtitimpla ako ng gatas ni Mommy.
"Calm down, anak. Hindi pagagalitan ng Daddy mo si Jeff."
"Mom, nag-ooverreact si Dad!"
"Ang Daddy mo ba o ikaw ang nag-ooverreact?"
Sumilip ako sandali. Nagsasalita si Daddy pero hindi ko naririnig. Si Jeff naman, nakikinig lang. Minsan, tumatango lang. Nakikitang bumubuka ang bibig niya pero hindi ganun katagal.
"Phia, uuwi na daw si Jeff." Saka lang sumilip si Dad sa kusina.
Kaagad akong lumabas sa kitchen. Hindi ko pinansin si Daddy.
"Anong sinabi ni Dad sayo?" Tanong ko kay Jeff.
Ngumiti lang siya, pero halata kong pilit yon.
"Jeffrei!"
"Let's talk tomorrow. Susunduin kita after my duty."
"Jeff...!"
"Tomorrow, okay?"