Chapter Thirty Seven
"Mam Phia?" Napa-angat ako ng tingin. Nilapitan ako ni Louie at may dalang kape."Louie?"
"Para daw po sa inyo." Inilapag niya ang kape sa table ko.
"Kanino galing?"
Lumingon si Louie sa isang lamesa pero wala ng tao doon.
"Umalis na po yata. Pero umorder po siya kanina. Tapos umalis na po yata kaagad. Ang sabi i-serve ko daw po sa inyo."
Kanino naman kaya galing 'to?
Hindi ko maalis sa isip ko, posibleng si Jeff ang umorder nito. Siya lang ang pinakamalapit sa vicinity ng coffee shop. Pero anong gagawin niya dito ng ganito kaaga?
I didn't want to dwell on those things. Pinilit ko na siyang kalimutan. I tried everything pero some things just reminded me of him. Ang ending, lalo ko lang siyang namimiss.
~*~
Instagram notification
TheRealJeiEy posted
Four years... I still... I'm missing you
*Picture quote*
I wish I could turn back the time. The time you were still happy with me.
Comments
EpolPie The Who?
LooWheeze Tagging @SoFeeYeah he misses you daw LOL
BEEyoutiful Buy the Shot to see her, dude!
~*~
"O! Nagpost na sa insta! Namimiss ka na daw." Sabi sa akin ni Tricia. Nasa office na kami nun at katatapos lang ng meeting namin nila daddy.
"Hindi para sa akin yan."
"Gaga ka talaga! Denial queen?!" Tinawanan lang ako ni Tricia.
Naalala ko ang date. Oo nga pala, anniversary dapat namin ngayon.
Pagdating ko sa opisina ko ang may dalawang bouquet na sa loob. Isang basket of red roses at isang bouquet naman ng pink tulips.
"Karen? Kanino daw galing to?" Tanong ko nang makita ko ang mga cards.
"J.A.?"
Initials lang ang nakalagay sa card.
"Posibleng si Jeff ang nagpadala niyan." Sabi ni Tricia.
"Hindi lang naman siya ang J.A. sa Pilipinas."
"Ang bitter mo!" Natatawa niyang saway sa akin.
Natigilan ako nang tumunog ang phone ko.
"Naku! Walang duda! Sa kanya nga galing!" Lumabas na si Tricia sa office ko. Hindi ko sinagot ang tawag niya. Hindi ko ine-expect na gagawin niya 'to ngayon.
~*~
💬
JeffreiSayo ba galing yung mga bulaklak?
Yeah. Why?
Please stop and don't do that again.
Masama ba?
I don't like it.
But it's your favorite.
Not anymore.