Chapter Twenty Six

10 0 0
                                    

Chapter Twenty Six


"Nag-away na naman ba kayo?" 

Napansin pala ako ni Apples. Naihagis ko kasi sa lamesa yung phone ko. Paano ka ba naman hindi maiinis, nakaka-ilang tawag na ako kay Phia pero hindi niya pa rin sinasagot. 

"Hindi naman. Baka tulog na kaya hindi sinasagot yung tawag ko." 

"Bakit kasi hindi mo ipaliwanag sa kanya?" 

"Alam niya yun, nasa med school din ang kuya niya!" 

"O, eh yun naman pala eh." 

Maraming beses kaming pinahirapan ng practicum ko. Halos sunud-sunod na linggo akong night shift at madalas dun ay sa E.R. ako naa-assign. Kaya parang nawalan din ako ng oras kay Phia. 

"Alam mo, kung palagi mo siyang pababantayan, mas maiinis yun sayo." Sabi ni Eila sa akin. Nagtext kasi siya na kasama niya daw si Phia sa bar kasama ang ilang mga kaklase nila. 

"Hindi kasi tama na sumama kayo diyan sa bar!" 

"Come on, kuya Jeff. Gusto lang naming mag-celebrate. Tapos na ang finals namin. Bakasyon na bukas..." Halatang nakainom na rin ang isa.

"Magpasundo ka sa kuya mo. Lasing ka na!" 

"Hahahaha! Yun? Susunduin ako?"

"Bakit hindi?" 

"Baka si Drex, pwede pa!" 

"Anong oras kayo uuwi?" 

"Baka mga madaling araw na din." 

"Ghad!!! May curfew kayo!" 

"Wala, ano!" 

Grabe talaga 'tong babaeng 'to! Hindi nakakaramdam ng takot! 

Nagpaalam tuloy ako sa instructor ko na mag-out kaagad. Mabuti na lang at good mood ito at pinayagan akong i-offset ang isang oras sa duty ko bukas. 

Pagdaan ko sa bar sa kinaroroonan nila ay nandun pa nga sila. May kausap na isang babae at dalawang lalake si Phia na kasama sa table nila. 

"Phia!" Napatingin sila sa akin. 

"Hey! You're here!" Tumayo kaagad siya at nilapitan ako. "Guys, si Jeff. Boyfriend ko. Babe, my college friends. Si Dev, Frank at Brent." 

"Hi, Jeff." Bati ni Dev. Tinanguan lang ako nung dalawang lalaki. 

"Have a glass, dude." Inalok ako nung Frank. 

"No, I'll be driving her home." Sabi ko. "Get your things. Uuwi na tayo." 

"Oh, yeah... Hanapin ko lang si-" 

"Ako na ang magsasabi kay Eila!" Naiirita kong sabi. 

"Naku pre, paano ba yan? Sira na ang diskarte mo?" Narinig kong sabi ni Frank. Umismid lang si Brent at uminom ng alak. 

"Are you drunk?" Tanong ko kay Phia nang makalabas kami sa bar. 

"Hmm... Konti lang. Hindi ko type yung cocktails." 

"Lasing ka. Madaldal ka eh!" 

"Hindi noh! Ano ka ba?!"

Pinagbuksan ko siya ng pintuan. Pagsakay ko naman sa driver's seat ay naka recline na ang upuan niya. 

"Sleepy?" 

"Uhum..." 

"Then, sleep." 

Jeff and PhiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon