Chapter Three
Nakarating pala si Wayne. Ang akala ko pa naman ay hindi siya makakapunta dahil aalis na siya.
"Surprise!"
"Nakakainis ka!" Natatawa kong sabi sa kanya.
"Pero aminin, kinikilig ka?"
"Asa ka!"
Napansin siguro ni Wayne na nakatingin sa gawi namin si Jeff.
"Umuwi na pala si amboy eh?" Alam na alam ni Wayne yun. Sa kanya kasi ako nagve-vent out.
"Oo, kahapon siya dumating."
"Nanligaw na ba pagdating niya?"
"Wag mo nga akong paasahin!"
"Nagsorry na ba?"
Umiling lang ako.
"Tsk! Weak!" Nilingon niya sandali si Jeff at nakita ko naman na kumunot ang noo nito. "Hamunin ko na ba ng suntukan?"
"Aish! Magwork-out ka muna at magpalaki ng katawan!"
"Tara! Pagsandok mo ako tapos doon kita hihintayin sa pwesto niya."
"Wayne...!"
"Wala akong gagawin. Titignan lang natin kung magseselos siya. Pag nagselos siya, ibig sabihin, mahal ka nga niya."
"Hindi yan. Lasing nga lang daw siya nung sinabi niya sa akin yun."
"Dali na! Pwesto na ako dun ah? Kuha mo na ako ng pagkain, sandali lang ako. Hahanapin ako kaagad ni mama. Tumakas nga lang ako."
"Sige na nga..."
Binilisan ko ang pagsandok ng pagkain ni Wayne. Baka kasi mamaya, mapikon sa kanya si Jeff. Pero malabo namang gumawa pa ng eksena si Jeff.
Hay naku, Wayne! Lagot ka talaga sa akin!
"Wow! Mukhang masarap lahat ah? Ikaw nagluto?" Sabi ni Wayne.
"Yung iba..."
"Ang swerte ko pala kung ikaw ang mapapangasawa ko?" Sabi ni Wayne. Akala ko ay aakbay siya sa akin, ipinatong niya lang pala yung braso niya sa sandalan ng upuan ko.
Naihampas yata ni Jeff ang cellphone niya sa lamesa.
"Selos is the key!" Bulong ni Wayne sa akin.
"Tumigil ka na. Ano ba kasing sinabi mo? Pagbalik ko, nakasimangot na yan."
"Tinanong niya ako kung ano kita, ang sabi ko-"
"Phia... Mauna na ako. Hinahanap daw ako ni daddy sa bahay." Sabi ni Jeff, tumayo ito at nagmamadaling maglakad.
"Wayne naman..."
"See! Mahal ka ni Amboy. You have to treat me. Unli Samgyup ha?"
"Bakit naman kita ililibre eh paalis ka na? Saka hindi ako natuwa sa ginawa mo ha!"
"Pero nung wala siya dito, halos isumpa mo na siya sa tuwing maaalala mo siya."
Inirapan ko lang siya. Aalis na nga lang at ano, mang-aasar pa!
FLASHBACK
Nagulat ako nang magring ang skype app ko. It was Jeff calling. Napatingin ako sa orasan ko.
"Hmm? Alas dose na pala ng tanghali?"
Sinagot ko naman ang tawag niya. Katatapos ko lang din kasi maligo at magbihis.