Chapter Fifty Two
"Okay... In three... Two... One..." The shutter clicked. "Good take, guys!"Prenup pictorial na namin. Dalawang linggo na lang at kasal na namin ni Phia.
Everything is set. Her bridal gown was delivered yesterday, pati na ang gowns ng mga abay namin. Angel is her maid of honor at si Luis naman ang best man ko.
Naging hands on din si Phia sa photoshoot. Gusto niya daw kasi na aesthetic ang theme photoshoot. Kaya all they can see is earth colors.
"Babe?"
Ginising ko siya pagdating sa bahay nila.
"Hmm?"
"Nasa inyo na tayo."
"I'm still sleepy."
Tumawa ako.
"Do you want to go home sa condo instead?"
Tumango lang siya. Nagdrive na lang din ako pauwi sa condo unit ko.
She seemed tired. Nag-file na daw siya ng two week leave sa office nila para sa kasal namin. Si Aicel na daw muna ang bahala sa mga gagawin niya.
"Baby?"
"Uhm?" She was still sleeping. Gigisingin ko sana siya dahil may appointment siya ngayon sa florist niya.
"Gising na. Your breakfast is ready."
"Wow... Parang baliktad?" Natawa siya.
"Maaga ako today. Next week pa ako magle-leave, remember?"
"Yes, Doc." Bumangon na siya at niyakap ako. "I love you."
"Let's eat?"
"Yeah. Let's eat."
~*~
"Hi, Doc." Bati sa akin ni Lester. Maaga akong nag-out dahil niyaya ako ng mga pinsan ko sa bar.
"Biglaan naman yung pag-aya niyo. Mabuti na lang wala kaming lakad ni Phia." Sabi ko habang naghuhubad ng jacket.
"Sus! Samantalahin na namin. Mababawasan na naman kaming mga binata." Sabi ni Charles.
"Mag-asawa ka na din kasi, tol. Panay fubu ka e!" Natatawang sabi ni Fred.
"Gag*, loyal yan sa fubu niya. Mahal niya na nga yata!" Sabi ni Patrick.
"Si Lucky?" Hinanap ko kaagad si Luis.
"Susunod daw. Mukhang nagpapatulog pa ng anak." Sabi ni Terrell at naglapag na ng alak sa lamesa.
"Pucha, ano to? Walang tulugan?" Tanong ni Fred pagkakita ng tatlong Black Label sa lamesa.
Mabuti na lang at nasa VIP room kami ng bar. Kaya lang ay nagulat ako nang may dalawang babae na pumasok sa VIP room.
F*ck! Lagot!
"Pa-stag party namin 'to sayo kuya Jeff!" Nagsalin si Patrick ng whiskey sa baso at ibinigay sa akin. Mayamaya ay tumabi sa akin ang dalawang babae na mukhang na-hire nila tonight.
Umiwas naman ako. Mahirap na. Baka umurong pa si Phia sa kasal namin.
----------
📱
BabyLove?
Until what time kayo dyan?
----------
Lagot na! Nagte-text na si Phia!