Chapter Thirty Eight
"Di mo kinaya, ano?"Kausap ko si Angge. Nandito ulit ako sa Restobar nila.
"Wala naman talaga akong planong ipaalam sa kanya." Sabi ko.
"Pero, sabi mo, nakita ka niyang uminom ng gamot?"
"Yeah..."
"Anong sabi niya?"
"He just asked when. And anong naging cause. Besides that, wala na."
"Did he tell you he still loves you?"
Tumango ako.
"So naniniwala ka na sa amin ni Tricia?"
"No... Hindi ko pa kaya."
"I told you na hindi imposible di'ba?"
Tatlong araw na ang nakaraan simula ng huli kaming magkita. Hindi niya na ako ginulo after that. I'm sure lasing lang talaga siya.
"Mom, I'm home..." Sabi ko pagpasok ko sa bahay.
"We're here sa kitchen, Ate." Narinig ko ang boses ni Aicel.
Nang makarating ako sa kitchen ay parang silang may cooking lesson doon. But what caught my attention is Jeff, wearing a black polo na mukhang longsleeves na naka-roll lang hanggang siko. Abala ito sa pagha-hand mix ng kung ano sa isang stainless bowl. Suot nito ang green kong apron.
"Jeff is teaching us how to make kimchi." Sabi ni mommy.
"Hindi na sana kayo nag-abala pa. Pwede naman tayong bumili sa mga nagsesell online." Sabi ko at dumerecho sa ref.
"Mas masarap daw kasi ang kimchi kapag fresh ang ingredients." Depensa ni mommy.
"Akyat na ako. I have to rest."
"Hindi ka na magdinner?" Tanong ni Aicel.
"Busog na ako. I had light snack sa office." Sagot ko.
"Light snack lang yun. You have to fill your stomach dahil iinom ka pa ng gamot." Nagulat ako sa sinabi ni Jeff.
Nanunuya naman ang mga titig nila mommy at Aicel sa akin.
Hindi ko pinansin si Jeff. Iniwan ko sila doon sa kitchen. Paakyat na ako sa hagdan nang may humawak sa kamay ko.
"Iniiwasan mo ba ako?" Tanong ni Jeff.
"No."
"Then why are you so cold?"
"Do I have to be warm?"
Hindi siya nakasagot.
"I'm sorry. Naging busy ako after nung reunion. I had out of town seminars to-"
"There's no need to explain, Jeff."
"But..."
"Why are you here?"
"I told you, I want to win you back."
"After accusing me of cheating on you?! Yeah... Right..."
"That was before I..."
"I guess you never trusted me at all."
"It's not that! I... I was really hurt that time."
"And that made you think I was really cheating? Nasaktan ka kaya inisip mong niloko talaga kita?!"
Hindi siya sumagot.
![](https://img.wattpad.com/cover/333092456-288-k890300.jpg)