Chapter Forty Five

11 0 0
                                    

Chapter Forty Five
  
  
"Dalian mo, Phia. Pauwi na daw e." Sabi ni Maui sa akin. 

"Eto na, kakapasok ko lang sa gate. Sorry naman!" 

I was planning to surprise him. 

"Naku, Phia. Nakasimangot pagdating!" Maya't maya akong tinatawagan ni Maui.

"Eto na, nasa tapat na ako ng bahay niyo." 

"Okay. Hintayin mo ulit tawag ko." 

"Okay." 

~*~

"Am I late?" Tanong ko nang makitang si Jeff ang nagbukas ng gate. 

"Uhm... Lagi ka namang late, pero dahil birthday ko ngayon, sige, abswelto ka na." Nakangiti niyang sabi at pinapasok ako sa loob. 

"Sa wakas! Dumating din!" Sabi ni Maui nang makita ako. Sabay-sabay kaming nagdinner ng family niya. Just like the old days. 

Jeff and I became bestfriends months after the closure. We're both single. Hindi rin maikakailang gusto ng family namin na kami din ang magkatuluyan sa huli. Tinatawanan na lang namin sila kapag nababanggit nila sa amin ang bagay na yun. 

"Seryoso, galing ka sa Baguio tapos wala kang pasalubong sa akin?" Pabirong sabi ni Jeff sa akin habang naghahalungkat ng paper bag na dala ko. 

"Wala nga! Puro pabili lang yan ni Tita Annie sa akin." 

"Tch! Nakakatampo naman!" Sabi nito at ngumuso. 

"Babawi ako sayo bukas." 

"Tapos na birthday ko nun." 

"Eh, dayoff mo naman yun di'ba?" 

"Magpapahinga lang ako nun buong araw." 

"Ang hard mo!" Pabiro kong hinampas ang braso nya. 

"Kunwari ka pa, gusto mo lang hawakan ang muscles ko." 

"Hindi ah!" 

True enough, he has improved a lot. I mean, a lot. Mula sa ugali, sa mindset, sa appearance. I even notice his ear piercing sa right ear niya 

"So, bukas ka babawi sa akin?" Tanong niya. 

"Yun ay kung wala kang date." 

"Sino namang ide-date ko?!" Natatawa niyang tanong sa akin. 

I smiled. "M-Malay ko ba kung may ide-date ka bukas." 

"Hmm... Meron sana. Kaso ica-cancel ko na. Nagyaya ka na kasi eh." 

"Hala!" 

"Joke lang! Patola ka, ghorl?!" 

Natawa naman ako sa sagot niya. 

"Saan ka pala uuwi ngayon?" Tanong niya sa akin. 

"Sa condo." 

"Dito ka na matulog. Gabi na, tapos nakainom ka pa." 

"Kaya ko pa namang magdrive eh." 

"Sinabi ko na rin yan nung na-aksidente ako."

"Eh lasing na lasing ka naman kasi nun!" 

Tinawanan niya lang ako. 

"Mom! Wag mo na pauwiin 'tong si Phia!" Sigaw ni Jeff at kinindatan ako.

"Jeffrei, why are you shouting!" 

"Eh, si Phia daw kasi, uuwi pa. Sabi ko, wag nang umuwi at nakainom na."  Nagsumbong pa talaga siya sa mommy niya! 

Jeff and PhiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon