Chapter Fifty Four
"Happy?"Narinig ko si Jeff sa bandang likuran ko. He was smiling.
"Of course, I am." Sabi ko sa kanya.
He granted my wish na sa Korea kami maghoneymoon. Nakahabol pa kami sa spring at sa cherry blossom flowers.
"Babalik na ba tayo sa Seoul bukas?" Tanong niya sa akin.
"Hmm... If you wish na mag-extend tayo, edi sa isang araw na lang."
"Namimiss ko na sila Daddy."
Ngumiti lang siya at inakbayan niya ako. Kaya ayoko ng mga matagalan na travel, mabilis akong ma-homesick.
"Welcome back, Mrs. Cheng." Sumilip si Tricia sa office ko.
"Hello, Tricia!"
"Ang blooming ha! Ganyan pala ang effect pag nadidiligan ka!"
"Gagi ka talaga!"
"So... Ano na? May laman na ba?"
"Masyado kayong nagmamadali?!"
"Syempre naman ano! Ilang taon na ba si Kuya Jepoy, 37 na ata. Bigyan mo na kasi ng anak!"
Tumawa lang ako.
"Hindi naman kami nagmamadali, Trish. Eh... Kung ibibigay kaagad ni God, bakit nga ba hindi?"
"Pero, plano nyo na talaga?"
"Sabi ko kasi kay Jepoy, wag na muna."
"Sophia! Maawa ka kaya dun sa tao! Nanghihiram na nga ng pamangkin o."
"Patricia, kung dadating kaagad, darating yun."
"Hindi darating yun, ginagawa yun."
Tinawanan ko lang siya.
Sa totoo lang kasi ay nafu-frustrate na ako. Gusto ko na rin naman. Gusto na rin namin ni Jeff na bumuo ng sariling pamilya. Yun nga lang, paano naman namin gagawin yun kung hindi naman kami sinuswerte sa ganung bagay.
"Love? Gising ka pa?" Tanong ni Jeff sa akin. Nasa kitchen ako ng condo niya. Yung unit ko kasi ay pinaupahan ko na lang.
"Yeah. Maaga akong nagising. Hindi na ulit ako nakatulog kaya nagbukas ako ng laptop."
"May check up pa tayo mamaya."
"Hmm... Tatapusin ko lang muna 'to then susunod ako sayo."
"Love, baka masyado ka ng nas-stress. Baka factor na din yun sa-"
"Jeff, I told you not to worry, okay?"
~*~
"Hmm... Palagi ka pa rin bang stressed sa work?" Tanong sa akin ni Dra. Teresa. Siya yung ni-refer sa akin ni Apples na gynecologist.
"Minsan po, Doc."
"I think you have to cool down a bit. Malaking factor ang stress sa plano niyo ni Jeff."
Ipinaliwanag naman niya ang iba pang bawal sa akin. Kung hindi pa rin daw magwo-work yun ay baka kailangan na namin umisip ng ibang paraan para makabuo.
Tahimik si Jeff habang nasa daan kami papunta sa bahay. Nag-invite kasi sila mommy na doon na kami maglunch at dinner.
"Love?" Tawag ko sa kanya nang i-off niya yung makina ng kotse.
"Hmm? Why, Love?"
"Sorry..."
"For what?"
"I... I know gusto mo na, kaya lang kasi.."