Chapter Fourteen
Hindi na kami nag-imikan hanggang sa makarating sa condo building ng unit niya.
"Galit ka na nyan?" Sabi niya pagkatapos magtanggal ng seatbelt.
"Nagiging overprotective ka na."
"Sige, sorry na." Sabay hawak sa kamay ko.
"Hindi naman ako galit. What I mean is, ano bang revealing sa suot ko?"
"Sorry na nga." Malambing niyang sabi. "Eh... Alam mo na yun. Guy thing... Ganun..."
"You mean, you feel ar-"
"Yeah. Okay? I need to divert my attention. Hindi ko masabi sayo kasi ang bastos pakinggan pag sinabi ko."
Natahimik lang ako. Bumaba siya para makaikot sa side ko para pagbuksan ako ng pinto as what he always do pag magkasama kami.
"Let's go."
Ang awkward na tuloy ng sitwasyon sa elevator, kaming dalawa lang ang sakay. Ramdam kong nasa likod ang kamay niya at nakahapit sa bewang ko. Para tuloy akong kinakabahan sa ginawa nya.
Patay! Hindi ako nakapagtext na paakyat na kami!
"Love, wait lang!" Bigla kong sinabi bago kami makalapit sa unit niya.
"Bakit?"
Mabilis kong kinuha ang cellphone ko sa bag at hinanap ang number ni Maui. Buti na lang at sumagot kaagad ito.
"Phia?" Tanong ni Maui.
"Okay na! G na!"
Nakikinig kasi si Jeff kaya hindi ko masabi na malapit na kami sa unit niya.
"Sinong kausap mo?" Tanong niya sa akin.
"Ah... Wala... Yung classmate namin ni Eila sa isang subject. Nagpapa-revise kasi yung prof tapos nagtatanong sa akin kung isusubmit nya na."
Halos pigil hininga naman ako nang in-unlock niya ang pinto gamit ang susi at pihitin ang door handle.
"Surprise!!! Happy birthday!!!" Dinig kong sabi ng mga kapamilya ni Jeff.
"I'll just pretend I didn't know. Thanks!" Tumatawang sabi ni Jeff. "Maui is behind all of this, right?"
"Ako?" Tanong ni Maui sa kuya niya.
"Yeah. Pinakuha mo pa nga kay Phia yung susi ng condo sa bag ko."
"You told him?" Tanong naman sa akin ni Maui at todo iling ako.
"How did you-" Tanong ko sa kanya.
"Sissy, nung araw na pumunta kami ng Azure ni Phia, binalikan ko yung susi ng condo ko sa bahay. Kaya for sure, imposibleng maiwan ko yun sa bahay."
"Maureen?" Tanong ni Tita Annie. "Oh wait! Parang mas ako ang na-surprise? Pakiulit yung sinabi mo, J.A.?!"
Tumawa lang si Jeff. "Wala, mom! Let's eat! Gutom na ako. Alam kong nagluto kayo ng mga paborito ko."
Iilan lang din kaming dumalo sa birthday party ni Jeff. Tumawag naman ang ilan niyang mga kaibigan para batiin siya. Nakaupo lang ako sa couch katabi si Eila.
"Bruha! Anong ganap kagabi? Homerun na ba?" Tanong ni Eila.
"Gaga! Homerun ka dyan! Gusto mong pinatay ako ng Kuya ko?" Natatawa kong sabi.
"Eh, anong gift mo sa kanya?"
"Nag-iisip pa nga ako eh. Parang gusto ko siyang ibili nung sapatos na gusto niya. Kaso lang, ayaw nya daw na gumagastos ako para sa kanya."
