Chapter Twenty Nine

6 0 0
                                    

Chapter Twenty Nine


"Para kang na-engkanto dyan!" Nakangiting sabi ni Phia. 

"I can't help it. You're way too... Gorgeous." Hinawakan ko ang kamay niya.

"Sus! Nambola ka na naman." 

"Para ka lang flower girl sa suot mo." 

Sa lobby ng hotel na kami nagkita ni Phia. Hindi kasi kami pareho ng floor ng room at nauna na din sina Maui at Xander sa simbahan. 

But that conversation is to just keep things light. Nakita ko kasi si Brent na pumasok sa hotel kanina at mukhang sinundo ang ilang kaibigan nila ni Joshua. And who would actually expect na close friend pala ito ni Josh, siya ang Best Man ni Joshua sabay si Phia naman ang Maid of Honor ni Tricia. 

"Pag selos na selos na, sabihin na..." Tinabihan ako ni Eila sa row ng upuan ng simbahan. 

"This is your fault!" Biro ko kay Eila. 

"My fault?" Natatawa niyang sabi sa akin.

"Kung hindi niyo pinakilala si Brent kay Phia-"

"Hindi ka sana nagseselos ng ganyan?"

Ngumiti lang ako. Obviously, umiiwas si Phia sa kanya. Pero mukhang nananadya itong si Brent. All Phia can do is makisama na lang. 

"Sorry, hindi ko alam na kasama sa entourage si Brent." 

Mukhang alam din ni Phia na magagalit ako. 

"It's okay. Pinakita ni Eila sa akin yung invitation. His name's not there and nag-sub lang siya kay Jude." 

"Are you mad?" 

"Why would I?" 

"Brent's here." 

"Should I be threatened by his presence?" 

"No." 

Nag-aalala siyang tumingin sa akin.

"Jeff..." 

"Sige na, hinahanap ka na sa line nyo." Sinamahan ko siya dahil alam kong kanina pa nakatingin si Brent sa amin, kitang kita ko pa ang pag-ngisi niya.

At mukhang yun talaga ang plano nung isa, ang talagang inisin ako. Kanina pa nagyaya si Xander na uminom. Umiwas ako dahil magda-drive pa ako mamaya. 

"Dude! Lalaki lang yan! Wag kang magselos." Sabi ni Luis. 

"Hindi ako nagseselos." Ngumiti ako.

"Hindi nga, pero ultimo pag hinga ni Phia binabantayan mo." Tumawa si Luis. 

Wala sigurong nakapansin nung nangyari. O baka dahil ako lang ang nakasubaybay sa kilos nila. Naging mabilis ang pangyayari. Hindi ko alam kung tinotoo ba ni Brent ang paghalik sa pisngi ni Phia. Umiwas ako ng tingin dahil alam kong titignan niya ako. Sa bawat sasabihin sa kanya ni Brent ay sa akin siya tumitingin. 

"Hey... We met again." 

Sa dinami dami ng lugar ay sa Men's Room pa kami nagkita. 

"Galing mong lumusot ah?" 

"You stay out of this!!!" Nanggigigil kong sabi sa kanya.

"I didn't do anything. Wala naman, Jeff. Wala pa..."  

Iniwan ko siya sa loob. Mukhang ang gusto niya ay i-provoke ako. Pagbalik ko sa table namin nila Eila ay wala na doon si Phia. Kaagad akong nag-open ng phone.

"Let's go back na sa hotel. I'm here at the lobby." Text niya sa akin. Mukhang 20 minutes ago pa ito. 

"I'm going, Eila. Pakisabi na lang kay Xander na nauna na ako.

Jeff and PhiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon