Chapter Fifty

17 0 0
                                        

Chapter Fifty
  
  
"Hmm... Mukhang minamadali mo na talaga, Jepoy?" Nakangiting sabi ni Tito Joaquin. "Well, nasa right age naman na kayo to start a family. And alam ko na hindi mo pababayaan si Phia." 

Nakinig lang ako kay Tito Joaquin.

"But... I think si Phia ang dapat mong tanungin dito. If she wants to marry you, she will say 'yes'. I mean, hindi namin hawak ang desisyon ni Phia."

"I understand po, Tito Joaquin." 

"Jeff... Ang masasabi ko lang sa ngayon, wag mo muna siguro biglain si Phia. I mean, last month lang kayo nagkabalikan. For sure, mabibigla si Phia kapag binigyan mo kaagad siya ng engagement ring." Sabi naman ni Tita Lilian. 

May point si Tita Lilian. Yun din kasi ang sinabi ni Apples sa akin nung tanungin ko ang opinion niya about my proposal. 

"Babe?" 

Lumingon ako. Nasa balcony kasi ako ng hotel at nagyoyosi. Napalunok ako nang makita kong naka-silk sleepwear siya. 

Kalmahan mo, Jeff! Kalmahan mo! 

"Gising ka na?" 

"Nag-CR lang ako. Nakita kitang nandito sa balcony." 

Nakatingin siya sa hawak kong yosi. Kaagad ko itong pinatay sa ash tray. 

"Mukhang ang lalim ng iniisip mo ha?" 

"Hindi naman. Iniisip ko lang yung anniversarry nila mommy." 

Nasa Baguio kami ngayon at dito magre-renew ng vows sila mommy at daddy. In-invite ko naman siya dahil nasanay na kaming nasa family occasions ng isa't isa. 

Kasal na nga lang talaga ang kulang. 

"Masyado mo iniisip, kaya nga kayo kumuha ng events planner para hassle free, di'ba?" Nilapitan niya ako at niyakap. 

"Nagtatampo ka pa rin ba kung bakit hindi kayo ang kinuha ko?" 

"No na. I understand naman na ayaw mo akong mapagod." 

"Good." Ngumiti ako at hinalikan siya ng mabilis sa lips.

"Pero nagtatampo ako kasi nagyoyosi ka pa rin pag nag-iisip isip ka." 

I chuckled, "Wala pa ring lusot ha..." 

"Of course, doktor ka pero ang hilig mong abusuhin yang katawan mo." 

"I'm tensed..." 

"You can always hold my hand when you feel tense." 

I smiled. She's being extra sweet today.

"Love?" I looked down on her. She was looking at me. 

"Uhmmm?" 

I was surprised when she tiptoed to kiss my lips. 

"Tch... Bakit ba kasi ang tangkad mo?!" Naasar niyang sinabi pero nakangiti. 

"Worry no more, wifey." 

"Huh?"

Binuhat ko siya ng bridal style at pumasok kami sa loob ng room. Naupo kami sa kama at naka-kalong siya paharap sa akin. 

"Now, you can kiss me all you want." 

"B-Babe..." 

"You can do whatever you want, Love. I'm all yours tonight." 

"J-Jeff?" 

Gulat na gulat naman siya. Hindi niya siguro in-expect ang gagawin ko. 

"Joke lang!" Sabi ko nung namilog ang mga singkit niyang mata. Natawa din ako sa reaction niya.

Jeff and PhiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon