*Chapter Eighteen

7 0 0
                                    

Chapter Eighteen


Pagkatapos naman ng 18 blue bills ni Angge ay sabay-sabay na tumayo ang mga boys. Ipinahawak sa akin ni Jeff ang coat niya at isinuot ang varsity jacket na dala niya. Nagtatawanan sila habang pumupunta sa mga formations nila. Then biglang tumugtog ang "Dynamite" song ng BTS. Jusko! Isa nga palang KPop at KDrama Lover itong bestfriend ko. Natatawa naman kami sa sayaw ng mga boys. May mga sash pa sila kuno para makita kung sino sila sa mga oppa na madalas naming mapanood sa mga CDrama at KDrama. Merong Dylan Wang, Mario Maurer, Lee Min Ho, Gong Yoo, Song Seung Heon, Hyun Bin, Lee Sung Gi, Park Seo Joon, Nam Joo Hyuk, Lee Do Hyun, Choi Woo Shik, Park Bo Gum at syempre, ang role ni Jeff na si Park Hyung Sik.

"Grabe, kinareer talaga nila ha?!" Sabi ni Cheska.

Pero hindi pa doon natapos ang sayaw. Nang matapos ang buong tugtog, isa isa silang lumapit sa amin. Cotillon dance na pala. Tuwang tuwa naman kaming lahat at nagtatawanan dahil nakaka-aliw sayawin ang mga tiktok dance hits.

"Whew! Nairaos na din!" Sabi ni Luis. Napatingin tuloy ako kay Jeff na nagpupunas ng butil butil na pawis niya.

"Naks, may future pala sa dancing ha?" Sabi ko kay Jeff.

"Nah! Mas gusto ko pang mag-rounds kesa sumayaw." Nakangiti niyang sabi.

Inabutan ko pa siya ng tissue. Pero sa halip na sa pawis niya ipinunas ay sa pawis ko sa noo niya idinampi.

"You're sweating din." Dinampi dampian niya lang ang pawis sa noo ko.

"Thanks."


The party went on after the program. Tamang inuman at sayawan lang. Mukhang lalapit na naman si Mykel kaya nagsabi ako kay Jeff na umakyat kami sa room. Nandoon na rin si Tricia at Josh.

"Tricia?!" I sensed something. Sumenyas lang si Tricia sa akin na wag akong maingay. Lumabas ulit sila kaya kami na lang ni Jeff ang nasa kwarto.


Napansin niya sigurong natahimik ako kaya tinabihan niya ako sa sofa.

"What are you thinking? Parang ang lalim ng iniisip mo?"

"Wala..." Alibi ko sa kanya.

"Are you sure na wala?"

"Wala nga..."

"Okay." Umakbay siya sa akin. "In case bothered ka talaga sa presence ng ex mo, I can be showy tonight. Para lang makapag-enjoy ka."

"Wag na."

"Mag-change ka na. Ako nang bahala sayo." Kumindat siya sa akin.


Napilitan na lang din akong magpalit ng dress. Nagpalit din siya dahil hindi daw siya sanay sa suot niya. Pagkatapos ay bumaba kami sa hall, tuloy pa rin ang party ni Angge.


"Pipz, hinahanap ka ng kuya mo kanina." Bulong ni Cheska sa akin.

"Nasaan na si Kuya?"

"Nasa labas. Mukhang may binili sila ni Luis."

Napansin niya siguro na magkasama kami ni Jeff na pumasok sa hall. Hinila niya muna ako palayo dito.

"Saan kayo galing ni Jeff?" Tanong ni Cheska.

"Sa room, nagpalit lang."

"Phia ha..." Sabi na, pinagdududahan niya ako.

"Loka ka, Cheks! Nothing happened, promise." Natatawa kong sabi sa kanya.

"I'm just telling you, practice safety measures kung gagawin niyo yun."

"Cheks, hindi nga..." Natatawa kong sabi sa kanya.

"Hmm, okay... Hindi kung hindi. Pero Phia ha..."

"What...?" Natatawa kong tanong.

"Wala... Sige na, sumama ka na kay Jeff. Ang talas na nang tingin sa akin e."

Jeff and PhiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon