*Chapter Seven

11 0 0
                                        

Chapter Seven


Nagulat ako sa sinabi ni Jeff. Paano niya naman nalaman yun eh never kong sinabi sa kanya o sa kahit na sino yun. It was all unspoken feelings right from the very start. Naging crush ko siya simula noong naging close friends kami. At hindi naman ako umaasang magustuhan niya din ako. Kaya nga hindi ako naniniwala sa mga pinsan niya, at lalo ng bestfriend niyang si Kuya Xander na nagkataon namang pinsan ko.


"Natahimik ka na dyan? Totoo ba yung sinabi ni Maui sa akin noon?" Tanong ni Jeff. He smirked.

"B-Bakit? Anong sinabi niya sayo?"

"Nireretohan ka daw ng mga co-varsity ni Xander pero ni isa wala kang inentertain. Tapos, ang sabi mo pa dun sa isa-" Hindi ko na siya pinatapos. Pabiro kong tinakpan ang bibig niya. Hiyang-hiya na ako dahil buking na ako.

"Ghad! Kinuwento pa ni Kuya Xander sayo yun?" Natatawa kong sabi.

"Yup. Nakakakilig kaya." Kinindatan niya pa ako at tumawa

Hinanap ko tuloy si Kuya Xander. Nagulat ako nang dumikit si Jeff sa akin at pasimpleng umakbay.

"So... I'm Jeffrei Andrew Lee Cheng, 20 years of age. Currently residing at Alabang Hills. Pwede na ba akong mag-apply bilang boyfriend mo."

Napatawa ako sa sinabi no Jeff. "Seryoso ka ba dyan?"

"Sorry. Hindi talaga ako marunong manligaw." Napakamot pa siya sa batok niya.

Tinawanan ko lang siya.

"Can I just court you everyday?"

"Mahirap ang walang label?"

"Anong label ba ang gusto mo? Black? Red? Gold?"

"Jeff!" His sense of humor gets better when he's drunk.

"Ah... Alam ko na."

"Huh?"

"Babe...!"

"Sira!" Natawa ako sa kanya.

"Swimming tayo? Inaatake na naman ako ng antok." Tumayo siya at hinawakan ang kamay ko.

"Hindi ako marunong lumangoy."

"Akong bahala."

"Jeff!"


Natigilan siya. Nakita niya siguro yung takot sa mga mata ko. Kaya sa halip na lumublob kami sa pool ay naupo kami sa may gilid. Nakalublob ang paa namin sa tubig.


"I nearly drowned, remember?" Naikwento ko na sa kanya yun. Apat na taon ako nun nang ma-out of balance ako sa pagkakatayo dahil sa malakas na alon sa dagat. Hanggang hita ko ang tubig sa kinatatayuan ko nun kaya hindi kaagad ako nakatayo sa pagkakatumba. Mabuti na lang at nakasigaw ako nang maiahon ko ang ulo ko sa tubig.

"Kaya ka natakot magtake ng swimming lessons?"

Tumango lang ako.

Lumusong si Jeff sa tubig. "Come on. Akong bahala sa'yo."

Matangkad si Jeff. Tingin ko naman ay abot niya pa ang sahig ng pool. Aabutin ko na sana ang kamay niya nang may tumulak sa akin papunta sa pool. Mabuti na lang at nai-angat kaagad ako ni Jeff.

"Who did that!!!" Nauubo ubo pa ako.

"Conquer your fear, Sissy!" Narinig kong sumigaw si Kuya. Natawa din siya sa ginawa niya.

"You really have one hell of a brother, Phia." Tumatawang sabi ni Jeff na buhat-buhat ako sa tubig.

"Shut up!"

"Kiss me and I'll shut my mouth."

"No way!"


Tumawa lang si Jeff. Dinala niya na ako sa mababaw na parte ng pool. Nakatayo lang kami at nakatanaw sa mga pinsan kong nagkukulitan at itinuloy ang inuman.

"Grabe. Bilib ako sa atay ng mga pinsan ko." Natatawa niyang sabi.

"Nagsalita ang hindi malakas uminom."

"Hindi naman talaga. Naparami lang ang inom because I can't say no to them. Matagal din kaming hindi nagkita kita."

"So, hindi ka nga nakakapag-night out sa US?"

"Hindi. Minsan lang talaga."

"Doktor ka nga talaga. You take good care of your health."

"I can take care of yours too. And our future children..."

Tumawa ako. Grabe! Bakit ang benta ng mga jokes niya sa akin?

"Advance lang mag-isip?"

"Hindi naman. Matagal ko na rin talagang pinlano."

"Meaning..."

"Kasama ka sa mga plano ko in the future."

"Yan ka na naman eh. You're drunk, Jeff. Hindi mo na naman maaalala lahat ng sinasabi mo."

"I'm drunk but I know what I'm doing."

"Hindi mo na naman yan maaalala pag hindi ka na lasing."

"Kaya ba hindi ka naniwala sa akin noon?"

"Alin doon?"

"Nung... nag-Facetime tayo. I was drunk when I told you I love you since then but you only laughed at it. Tumawa ka lang kasi akala mo, lasing lang ako. You thought I'm not serious. That I don't mean it... Pero nung mga oras na yun, doon lang ako naglakas ng loob na sabihin sayo lahat."

Nakinig lang ako. I want him to confess.

"I didn't know when it all started. Ang alam ko noon, tumayo lang akong pangalawang kuya mo. Yung mga time na bata ka pa kaya I wanted to protect you sa mga nang-aasar sayo."

Tumingin lang ako sa kanya. Gumalaw ang kamay niya sa ilalim ng tubig para hawakan ang kamay ko.

"Yung pag-alis ko papuntang US after highschool graduation, matagal nang plano ni Mommy yun. Napaaga lang nang magkasakit si Daddy. Napilitan akong umalis kahit ayoko pa. Kasi... I was waiting for you to come of age. Yung marunong ka ng magka-crush. Yung age na you'll get curious of the thought of having a boyfriend. Doon ko sana gustong sabihin sayo lahat. Aaminin ko sa'yo lahat."

Yumuko ako. Naiiyak kasi ako sa mga sinasabi niya.

"I stopped myself from telling you that before I left. Ano ba kasing alam mo noon eh sampung taon ka lang." Tumawa siya.

"Sira!"

"Crush mo na ba ako 'non?"

"Baliw!" Natawa ako. Pero, kung sasagutin ko man ang tanong na iyon, oo ang sagot. Ayoko lang talagang aminin sa kanya.

"Sabagay, hindi ka nga pala nagpaligaw kasi sabi mo may boyfriend ka na, nasa US lang at hindi pa bumabalik..."

"Jepoy!" Uminit yata ang pisngi ko sa sinabi nya.

"Tch! Kailangan mong panindigan yan. Iharap mo ako doon sa ka-teammate ni Xander at ipakilala mo ako as your boyfriend."

Tumawa lang ako.

"Let's dance?" Pag-aaya niya. Love song kasi ang tumutugtog sa videoke at kinakanta ni Meg. Closer you and I yata ang title nun.

"...Give it time, just a little more time. So we can get closer... You and I..." Kanta niya. Maganda pala ang boses ni Jeff. Pwedeng vocalist ng banda.

"The closer I get to touching you, the closer I get to loving you. Give it time, just a little more time. We'll be together..."

Ngumiti lang ako nang magkatinginan kami.

"I love you, Phia. And I mean it this time. No more lies and alibis. Hindi ko na din sasabihin na lasing lang ako. Hindi ko na din idedeny." Nagulat ako nang yumuko siya para halikan ako sa labi.

One... Two... Three... Oh my ghad! Four... Five... Six... Shit! Umatras ka na nga, Phia! Ayaw niyang bumitaw!

It lasted for ten seconds. Parang nanghina ako...

Jeff stole my first kiss tonight. And he definitely stole my heart too.

Jeff and PhiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon