*Chapter Ten

8 0 0
                                    

Chapter Ten


Naisipan naman ulit na magreunion ang barkada nila Phia bago magpasukan. Inimbitahan nila ako kaya lang ay wrong timing naman dahil may aasikasuhin ako para sa med school. Malapit na din kasi ang pasukan namin. For sure magiging busy na kami ni Phia.

"Sis, busy ba si Phia?" Tinawagan ko si Maui dahil hindi sinasagot ni Phia ang tawag ko. Nakatatlong missed call na ako pero hindi niya pa rin sinasagot.

"Oo, nagluluto. Ang clingy mo ha!" Sagot ni Maui.

"Kumusta na dyan? Wag niyo masyadong painumin yan ha?"

"Susunod sila Xander dito mamaya, ikaw ba?"

"Will try... I guess..."

"So ano yung enrollment mo sa med school, 24 hours???"

"Maui..."

"Hay na'ko! Bahala ka na nga. Ah, teka... Kasama yata ni Xander si Ivan. Sige na, mukhang andito na sila. Byers!"

"Maui!" Ghad! My sister really loves to hang up on me!

~*~

"Man! Tinuloy mo pala ang Med School, Doc!" Nakipagfistbump sa akin si Colbin.

"Yeah! Told yah!"

"Pumogi ka ah? Patpatin ka pa nung highschool."

Ngumiti lang ako.

"May night out mamaya, kasama mga batchmate natin nung elementary."

"I'll pass. May night swimming sila Maui."

"Brother duties, eh?"

"You know her. She might get alcoholic."

"Tama yan, control lang."

Natapos na akong mag-encode ng subjects na kukuhanin ko for the first semester. Nagtext ako kay Maui na susunod ako dahil baka magtampo si Phia. I can't even understand myself. Hindi naman ako ganito sa ibang tao. Kahit sa mga naging girlfriends ko. Bakit nga ba iba pagdating kay Phia?

Madilim na nang dumating ako sa resort. Mukhang nagvi-videoke na rin sila sa loob. Nagtatawanan ang magkakabarkada habang nag iinuman naman ang mga boyfriends nila.

"O, andito na pala si Jepoy e!" Sabi ni Luis. Naalala ko naman ang sinabi ni Maui kanina. Napahagilap tuloy ako ng tingin sa kumpulan nila Maui. Andun sila at mukhang mga nakainom na. Pati yata si Phia ay lasing na din.

"Huy, Phiatot! Jowa mo, andyan na!" Narinig kong sabi ni Yvet.

Napatingin sa akin si Phia pero inirapan nya lang ako. Tumayo ito kaya sumunod ako sa kanya. Nakarating kami sa second floor kung saan nandoon ang mga kwarto.

"Nag-inom ka?"

"Ah... Oo... Konti lang naman."

"Your cheeks are flushing!"

"Konti lang, ano ka ba!"

Lasing na nga siya. Hindi siya ganyan magsalita sa akin.

"Phi! Uwi na daw si-..." Nagulat pa si Xander nang makita ako. "Andito ka na pala?"

"Yeah..."

"Ah eh, Phi... Uwi na daw si Ivan." Natatarantang sabi ni Xander. Mukhang yung Ivan yung kasama niya ngayon na ngumiti kay Phia.

"Ah... Wait! Hatid na kita sa gate..."

Napakunot-noo ako. Nagtaka ako kung bakit close na sila kaagad. O lasing lang talaga 'tong si Phia. Sabay silang bumaba kaya sumunod ako. Hinayaan ko lang si Phia. Nakatanaw ako sa dalawa habang naghihintay ng reaksyon ni Phia. Nakakainis yung ngitian nila, preskong presko pa magsalita 'tong lalake sa kanya.

Jeff and PhiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon