Chapter Forty Eight
I hurried outside. Mukhang pinagti-tripan na naman ako ni Colbin."Bro?! Seriously?!"
"Kalma... Kinausap ko lang."
"Colbz, alam mo namang-"
"She's waiting, Jeff. Walang nangyayari sa inyo kasi ayaw mong kumilos."
Natahimik ako sa sinabi ni Colbin.
"Ibibigay ko na lang sayo yung garter ha? Sasabihin ko na lang din kay Tarah na kay Phia ibigay yung bouquet nya."
"Bagay talaga kayong dalawa. Pareho kayong mapang-asar e."
Nagkaroon naman ng rehearsal ng pag march ng entourage sa garden wedding para bukas. Nakita kong kausap ni Phia ang partner niya sa groomsmen.
"Bata pa yung pinsan ko ha! Wag kang magselos." Bulong ni Colbin sa akin.
"Hindi ako nagseselos! Okay?!"
"Suplado ka kaya pag nagseselos ka."
Tinawanan ko lang si Colbin. Halatang gusto talaga akong asarin.
Napapa-isip pa rin ako sa nangyari kagabi. Hiyang-hiya ako kay Phia. Hindi ko siya maharap ngayon. Nahihiya akong lapitan at kausapin siya.
>Ang tanga mo naman kasi, Jepoy!
Sinaktuhan pa nga yata ng pagkakataon. Napatitig ako sa kanya while she was walking. Nakatingin siya kay Apples. She was smiling.
Hulog na hulog ka pa rin kay Phia, Jeff.
"Pre, baka matunaw." Natatawang biro sa akin ni Colbin.
Tinawanan ko lang siya. I admit na mahina pa rin ako pagdating kay Phia. She will always be my kryptonite.
~*~
"Oist... Mr. Suplado!""Dude?" Si Dave pala yun. Nagkakape kasi ako sa may gazebo ng farm.
"Kahapon ka pa ganyan. Nag-away ba kayo ni Phia?"
"Hindi naman. Why?"
"Kanina pa kayo nagde-deadmahan. Paano na yan mamaya?"
Ngumiti lang ako.
"So, ano na nga bang score?"
"Wala pa rin."
"Naku... Baka maunahan ka na..."
Napatingin naman ako sa gawi nila Tarah. Nagshu-shoot kasi sila ng pang same day edit. Kasama doon si Phia. She was wearing an emerald green robe na ka-terno ng damit ni Tarah.
Naalala ko tuloy yung gabi ng bonfire party. Hindi ko talaga sinasadya. Gusto kong mag-sorry sa kanya, pero paano? Para kasing iniiwasan niya na din ako.
Pagkakataon ko na nga sanang mag-sorry sa kanya, kaso lang ay palagi namang nakadikit sa kanya si Apples.
"Pre!"
Napalingon ako kay Colbin.
"It's time." Pinakita niya sa akin ang kulay green na garter. "Kunin mo na to, paborito pa namang color ni Phia 'to."
Tumawa lang ako.
"Masaya na kami ni Davey sa mga asawa namin. Ikaw ba? Kailan mo pakakasalan yung first love mo?"
"Sa takdang panahon."
"Sus! Hindi na uso AlDub ngayon huy!"
Tumawa lang ako. Nautusan kami ng mga videographers na mag-usap dahil kasama daw yun sa same day edit footage nila.