Chapter Twenty Eight
Ang awkward ng sitwasyon na 'to.Naunang dumating si Jeff. Nagdala ito ng cake at pizza. Tuwang tuwa tuloy si Aicel dahil paborito niyang flavor ng pizza ang dala nito.
"Nag-abala ka pa. I told you magluluto ako ng dinner." Sabi ni Mommy.
"Ayos lang po ninang. May pang midnight snack si Aicel mamaya." Nakangiting sagot ni Jeff.
"The best ka talaga, Kuya Jeff!" Kumindat pa si Aicel kay Jeff.
Naupo ako sa couch malayo sa kanya. Nang umakyat si Aicel sa kwarto nito ay tumabi siya sa couch kung nasaan ako. Masyado syang nakadikit kaya lumayo ako ng kaunti.
"Dumating na si Tito Joaqs?" Tanong niya sa akin. Umiling lang ako.
"Are you still mad?"
"I'm not."
"I know you hate me. Hindi ko kayang magpaliwanag sayo kaya hindi ako makaharap."
"It's okay. That's what cowards do."
Natahimik siya.
"Phia... I... I hope you understand."
"What?"
"Sinunod ko lang ang gusto ng daddy mo."
"So kapag sinabi niya na magbreak na lang tayo, you'll split up with me? Ganun ba?"
"Hindi ganun yun... May point ang daddy mo. Gusto ka lang niyang protektahan."
"Protektahan and eventually breaking my heart, right?"
Tinignan niya ako ng masama.
"Why are you all doing this? Gusto niyo ba talagang mas saktan pa ako?"
Hindi siya nakasagot. Bumukas naman ang pinto at mukhang kararating lang ni daddy.
"Honey, I'm here. Where's Aicel and Aian?" Sabi ni Dad habang naghuhubad ng jacket. "O, Jeff. Good thing you're here. Let's have dinner na. I'm starving." Mukhang good mood ito at maayos ang pakitungo kay Jeff.
Nasa dining table na ang lahat. Masayang nagke-kwentuhan sina Kuya, Jeff at Daddy. Si Cheska at Aicel naman ay nakikitawa din. Ako lang yata ang bukod tanging tahimik.
"Sophia, are you okay?" Tanong ni mommy.
"Yes, mom."
"Hindi ka kumakain."
"Wala akong gana, mom. I'm sorry." Tumayo ako at naunang umalis sa dining room.
"Sophia! Go back to your seat." Sabi ni Daddy. Napilitan tuloy akong bumalik sa upuan ko.
"So, everyone's here. I can finally explain it to you." Tumingin sa akin si Daddy pero umiwas ako ng tingin.
"You all know what the issue is, right? Gusto ng mommy niyo na gumawa ako ng paraan para paalalahanan kayo."
"Premarital sex is not an experiment, mga anak. Hindi ko kino-condemn si Tricia. She's our family. I'd just like all of you to realize and learn from this situation, lalo ka na, Aian. Panganay ka at may mga kapatid na babae." Sabi ni Dad. "I also invited Cheska and Jeff so they can understand kung bakit pansamantala ko kayong inilayo sa mga anak ko."
"I understand, Tito Joaquin. Aian explained it to me." Sabi ni Cheska.
"And, Phia. I know may tampo ka sa amin ni Jeff. Kaya sayo ako magsosorry. Hindi ko talaga pinagpaliwanag si Jeff sa'yo dahil gusto kong makita kung paano mo iha-handle ang lahat. I told Jeff na mag-lay low muna kayo para hindi nagiging dependent ang feelings mo sa kanya."
![](https://img.wattpad.com/cover/333092456-288-k890300.jpg)