*Chapter Nine

12 0 0
                                    

Chapter Nine


"Aba! Aba! Himala at sumama ka?" Sabi ni Yvet sa akin.

"Baka kasi magtampo ka kaya sumama na ako." Biro ko kay Yvet.

"So... Ikaw ang dapat lasingin ngayon. At for sure, ikaw ang nasa hot seat!"

"Ha?!"

Nakita ko sa lamesa ang isang bote ng tequila at isang bowl ng lemon at may kasama ring asin. Mukhang tequila night ang trip nila ngayon.

"Wala ka bang sakit?" Tanong ni Reych. "Ngayon mo lang naisipang sumama tapos nag-inom ka pa. Alam ba yan ni Jeff?"

"No! W-Wag nyong sasabihin, please?"

"Pero paano ka uuwi?"

"Magpapasundo na lang ako kay Kuya."

"May problema ba kayo ni Jeff?"

"Wala. Bakit magkakaproblema?" Iniabot sa akin ni Lovi ang pangalawang ikot ng tequila.

"So, ano nang score? Balita ko kay Eila, may halikang naganap kagabi?"

Napahilamos ako ng palad. "Oh my gosh!"

"Kayo na?!"

"Yun na nga, Reych! Hindi ko alam kung kami na ba o hindi pa."

"Teka, bakit ang gulo?"

"Di'ba! Magulo! Kaya nga hindi ko alam kung kami na nga ba."

"Gaga! Nagpahalik ka na nga eh!" Naririnig na pala kami ni Tricia.

"Paano ko ba ico-confirm kung kami na? Yung hindi ko siya kailangan itanong directly, kasi ang awkward magtanong."

"Signs?" Sabi ni Reych.

"Anong signs?"

"Kapag... Kapag clingy na sayo. Or kapag lagi ka na niyang chinecheck." Sabi ni Reych.

"Saka kapag nagiging mas sweet pa siya." Dagdag ni Tricia.

"Kapag nagtatanong na sayo kung nasaan ka, or kapag laging nag-iinitiate na susunduin ka..." Sabi ulit ni Tricia.

"Tapos, susunod yan kahit saan ka magpunta." Sabi ni Reych.

"Ano ba, bes! Wag mo nga akong pinapakaba!" Hindi niya kasi alam na nandito ako ngayon. Nung nagtanong naman siya kung pupunta ba ako, sinabi kong hindi ako sasama dahil parang hindi pa ako nakakabawi sa puyat noong magswimming kami.

"Hindi ka kinakabahan, lasing ka na!" Sabi ni Tricia.

Oo nga! Nakailang shot na ba ako ng tequila?!

Mayamaya ay narinig kong sumigaw si Yvet.

"Ang kulit ha! Sabi nang girls lang eh! Bakit andito kayo?" Dinig kong sabi ni Yvet.

"Sorry, Baby. Pinilit ako ni Jeff e!"

Ayan na naman ang kaba ko! Sa palagay ko, nasabi ni Luis sa pinsan niya na nandito ako ngayon. Napasilip ako sa phone na nasa loob ng bag ko.


Jeffrei
Ten missed calls

At may limang text pa galing sa kanya.

~*~

Jeffrei

Nasaan ka? Pumunta ako dito sa inyo, wala ka.

Sumama ka ba kina Yvet?

Babe?

Where are you?

Jeff and PhiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon