Chapter Two
I missed you.
Yun ang text na sinend ko kay Phia nang makasakay kami sa kotse pauwi sa bahay. 30 minutes na ang nakalipas pero hindi pa rin siya nagrereply.
"Ayieee! Mukhang sinisimulan mo na ah?" Nabasa na pala ni Maui ang text ko.
"Chismosa!"
Tumawa lang siya, "Paano kaya kung dito ka nag-aral sa Pinas? Siguro girlfriend mo na si Phia."
"Advance ka masyado mag-isip, teh?" Mukhang mang-aasar na naman 'tong si Maui e.
"Natanong mo na ba kung may boyfriend na?"
Bigla akong natigilan. Wala naman siyang nababanggit sa akin. Wala pa naman.
"Weak! Ang bagal! Duh!"
"Shut up!"
"Five years and yet pikon ka pa rin."
Sumimangot ako at nagseryoso.
__________
Phia ❤️
Sorry, late reply.
Nagdinner kami sa labas nila Dad.
It's okay.
Nakauwi na kayo?
Not yet. We're stuck in traffic.
Same. Ingat.
You too. See you tomorrow.
__________
Hindi na ako nakapagbukas ng bagahe nang makabalik kami sa bahay. Kaagad akong naglinis ng katawan at nahiga sa kama. Naisipan ko munang magbrowse sa Insta at nakita ko ang mga uploaded photos ni Phia kanina. Naisipan ko tuloy i-upload yung isang picture na nakita ko sa graduation pictures na album niya.
I'm just so proud. Congratulations to this young lady. You deserve it. Goodluck. SoFeeYeah
Yun ang nilagay ko sa caption. Na-mention ko pa ang username ni Phia sa dulo ng caption para makita niya ang upload.
SoFeeYeah wrote "Thanks ❤️"
Nagmadali akong ichat siya sa Messenger dahil sa nakita kong comment.
__________
💬
Phia Yuchengo
Active NowGising ka pa?
Yup.
Musta naman?