Chapter Thirty
Tama nga si Daddy. Mas nakatulong sa amin ni Jeff ang space na hiningi niya sa amin. Mas nagmature kami sa paghandle ng relasyon.Madalas pa din naman kaming mag-away, yun nga lang ay mas madalas na si Jeff ang naggi-give way sa amin. Lalo ngayon na pareho na kaming busy dahil graduating na siya sa med school. Ako naman ay may isang taon pa.
"Busy na naman ang jowa!" Sabi ni Clara.
"Ganun talaga, seryoso na eh."
"Ilang years na nga ba kayo?"
"Hmm... Pa-three years na din."
"So tatlong taon mong tinitigang ang jowa mo?"
"Buang ka talaga!"
Tumawa si Clara. "You're a saint, Phia. Pero mas santo yang boylet mo!"
"Alam mo naman yung nangyari sa pinsan ko, di'ba?"
"Hindi marunong mag-ingat yung jowa ng pinsan mo."
"Ayan ka na naman sa mga topics mo. Dapat talaga Biology ang kinuha mong field eh!"
Tumawa si Clara, "Eh, kumusta kayo ni Brent?"
"Huh? Bakit naman naisingit mo si Brent?"
"He has a huge crush on you. Kita mo naman. Laging naglalagay ng kung anu-ano sa table mo."
"Ang hilig nyo magbigay ng malisya. Friendly lang talaga si Brent."
"Eh, bakit lagi nang tumatabi sa iyo sa seat? Alam ba ni Jeffrei yan?"
"Oo, kinu-kwento ko."
"Hindi nahu-hurt yung ego nya?"
"Ewan ko. Wala naman siyang sinasabi."
"Gaga! Makiramdam ka nga! Ang hard mo doon sa tao."
"Paano naman naging hard yung ganun?"
"Phia, kahit naman sabihin niya na hindi siya nasasaktan, deep inside, kumikirot pa din ang puso nyan."
"Wala naman siyang-"
"Kahit na, Phia. Lalaki ang jowa mo. Hindi yan magsasabi kung ok ba siya o hindi."
"Meaning?"
"He'll never tell you that he's hurting. It's either he doesn't want you to think na mali ang ginagawa mo, or talagang martyr nievera yang jowa mo."
"Hindi naman ugali ni Jeff ang ganun."
"Pero kung ugali niya palagi mag-give way sa relasyon niyo, baka talagang nagpapasensya lang sya."
Napa-isip ako. Tama si Clara. Simula kasi nung matapos ang thesis namin ay hindi na namin napag-uusapan si Brent. Hindi na rin ako nagke-kwento sa kanya lately. Ayoko lang na maging issue pa.
"Babe, sorry. Late advise eh. Nagkaroon ng last minute meeting si Doc Perry. Mukhang masasabon na naman kami." Tumawag si Jeff dahil hindi niya daw ako masusundo.
"Sige, hihintayin ko na lang si Kuya Sonny dito."
"Sure kang okay ka lang? Doon ka na maghintay sa loob ng fastfood."
"I'm okay..."
"Bawi ako bukas. Off ko naman."
"Pero kailangan mong magreview bukas, diba?"
"Pwede naman magreview kasama ka."
"Hmm, sige na. Itetext ko na si Dad. Ingat ka diyan."
"I will, always. Love you!"
