Chapter Thirty Four
Kanina ko pa hinahanap si Kuya. Ayoko sanang magpalibot libot sa venue. The more na hindi ako nags-stay sa isang lugar, the more chances na magkita kami, na ayoko muna sana mangyari.Nasaan ka na ba, Kuya?
Papunta ako sa ladies room. Hindi ko namalayan ang kasalubong ko. Nagkabungguan kami at halos napasandal ako sa dingding.
"Sorry, Mi-"
Nagkatinginan kami! How can I forget these eyes?
"Phia?"
"J-Jeff?"
Mga ilang segundo din kaming ganun ang pwesto.
"Dude! Get a room!" Nakita pala kami ni Colbin. Tinapik niya ang braso ni Jeff. "Tell her na, okay?!"
"I'm sorry... E-Excuse me..." Nauna na akong umiwas. Naglakad ako palayo sa kanya pero hinabol niya ako.
"Phia..." Hinila niya ang kamay ko at bigla niya akong niyakap. Nang kumalas naman siya sa pagkakayakap ay hinawakan niya ang mukha ko at bigla akong hinalikan.
Magkalapat lang ang mga labi namin. Hindi kami napapansin ng mangilan ngilang taong napapadaan dahil madilim sa pwestong yun.
"I... Still..." Sabi niya at binitiwan ako. Naglakad siya pabalik sa loob ng venue. Ako naman ay napatulala na lang sa nangyari.
~*~
"He still...?" Tinaasan ako ng kilay no Tricia.
"Yun lang ang sinabi niya." Sabi ko.
Humigop muna si Tricia ng kape, "baka naman naghihintay pa rin? O may balak bumalik?"
Tumingin ako sa labas.
"Ang hirap naman nyan. Kung mahal niyo pa rin naman kasi ang isa't isa, bakit hindi na lang kasi kayo magbalikan."
"It's never going to be the same again."
"Hindi mo pa rin sinasabi sa kanya."
Umiling lang ako.
"He deserves to know."
"And what, dadagdagan ko na naman yung sakit na nararamdaman niya?"
"Eh, nasa iyo yan... He deserves to know what happened."
Kami lang ni Tricia ang nakakaalam nun. Ang totoong kwento sa likod ng mga pictures na ipinakita ni Kaye kay Jeff.
"Hindi niya na dapat malaman yun."
"Nagpapakabayani ka teh?! Di na uso martir ngayon ha!"
"Balik na ako sa office."
"Yeah, sunod ako. Magte-take out lang ako ng cake for Cassie."
Anim na buwan na ako sa company. Dad plans na mag step up na agad ako, pero humiling ako na pag-aralan lahat ng proseso bago ako magpalagay sa top management.
Kasal naman ni Reign ang sunod naming naging reunion. Wala sina Yvet, Cheska at Lovi.
"Beshie... In-invite ko si ex mo ha." Sabi ni Reign habang inaayusan ng buhok.
"Ayos lang." Tipid kong sagot. Ako na ang nagmake up sa sarili ko pagkatapos kong lagyan ng make up si Angel.
"Hindi na talaga kayo nag-usap after nung last reunion?" Tinutukoy niya yung reunion namin na padespedida nila Yvet at Cheska.