Chapter Thirty Five

12 0 0
                                    

Chapter Thirty Five
 
 
Isang linggo pinlano ng team namin ang surprise birthday party ni Jeff para sa girlfriend niyang si Belle. Very hands on pa nga ito dahil sumasama siya sa amin kapag bibili ng mga items at materials na gagamitin. 

"Okay na ba sayo yung ganyan? It's the closest color sa suot ni Namjoon sa music video ng Butter." Nasa mall naman kami ngayon at bibili ng isusuot niya sa party. 

"This will do." Tipid niyang sagot. Iniayos niya ang itim na necktie at yellow gold na longsleeves. 

"I thought si Jimin ang bias ni Belle. Why do you have to be Namjoon?" 

"Naunahan na ako ng kapatid niya." 

"I see..." 

"Should I buy a wig? Para mas kamukha ko si Namjoon." 

"Nah! Malayo pa rin kahit mag-wig ka." 

"I know. He's your bias. Baka masira ko ang image ni Namjoon sayo." 

"I wouldn't mind." 

"Phia..." 

"Hmm?" 

Sandali kami nagkatitigan. Walang tao sa loob ng fitting room. Walang nakapila pero bukas ang pinto. 

Eto na naman yung kurot sa puso ko. Hindi ko alam kung bakit. Ganito siguro yung feeling kapag matagal mong minahal yung tao. Then saka mo mararamdaman yung sakit habang naaalala mong hindi na nga pala siya pwedeng maging sayo. 

He cornered me at the side of the small fitting room. The temperature suddenly became warm. 

"I missed you..." Nagulat ako nang hapitin niya ako at halikan. 

I hated the feeling. Parang nawalan ako ng lakas. Hindi ko nagawang tumutol. Tama pa rin ba itong ginagawa ko? 

It was a passionate, longing kiss that lasted for about some seconds. I unknowingly caressed his face and that made him groan and made the kiss deeper. 

The hell, Phia!!! What are you doing?!

My senses came back and pushed him away with all my might!

"K-Kung lolokohin mo lang si Belle, wag ako ang gamitin mo. Let's just be professional, Jeff!" Kaagad ko siya iniwan sa loob ng fitting room. 

~*~ 

"Gosh, Phia! This is so good!!!" Tuwang tuwa si Clara sa pinatikim ko sa kanyang kape. "Pasalamat ka, I have to stay awake for the night." 

"I'll trust your verdict." 

"So kailan mag-oopen?" 

"Next month..." 

"Gaga! That's not what I mean." 

"What?"

"Kailan mo ulit bubuksan ang puso mo?" 

Hindi ako nakasagot. 

"Don't tell me hinihintay mo pa rin bumalik si Jeff sayo?" 

"No. Hindi na." 

"Are you unconsciously telling me na kaya mo binasted si Brent dahil hinihintay mo pa rin si Jeff?"

Hindi ko ulit siya sinagot. 

"You really have the habit of implementing 'silence means yes', girl!" 

"Clara, hindi na nga. I'm done waiting."

"Done waiting because?" 

"He's taken." 

Jeff and PhiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon