Chapter Thirteen
Naitulak ko pa ng bahagya si Jeff nang marinig ko ang party poppers.
"Sa wakas! May label na kayo!" Sabi ni Apples.
"Hindi na manghuhula si Jeff sa status niyo." Sabi ni Dave.
"Bro, wala along sinasabing ganyan ah!" Tumawa si Jeff at umakbay sa akin. "Babe, these are my crazy but harmless colleagues and best buds. Si Apples and her fiancé, Dave. And our videographer for today, si Colbin."
"Welcome to the gang, Sophia. Don't worry, sa aming apat, mas dapat kang matakot kay Jeff." Sabi ni Colbin sa akin.
"Grabe! Walang laglagan, Bro!" Tumawa si Jeff at pabirong sinuntok sa braso si Colbin.
"Mabuti na lang talaga mabilis tumawag 'tong si Jeff. Naka-prepare na lahat ng materials namin. Ikaw na lang ang hinihintay." Sabi ni Apples sa akin. May pagka-clingy si Apples at kaagad nakalapit sa akin. Kaunti lang naman ang tangkad niya sa akin pero mukhang koreana kasi siya at kamukha ni Park Shin Hye.
"Salamat, guys. Akala ko pa naman si Jeff ang masu-surprise sa ginawa ko."
Mukhang mag-iinom ang mga boys kaya kami na lang ni Apples ang nag-one on one sa wine.
"So, talaga palang hinintay ni Jeff ang kanyang childhood crush? Hmm?" Nakangiting kanchaw sa akin ni Apples. Magaan siyang kausap. Nabanggit sa akin ni Jeff na Psychiatrist daw ito bago magpursue ng medical degree.
"Sort of... Hindi ko naman talaga alam na crush niya na ako noon."
"Kasi nga, nagbi-binata na siya non pero ikaw, wala pang muwang sa love."
Tumawa ako. Naalala ko tuloy yung confession na sinabi niya sa akin.
"Sa pagkakakilala ko kay Jeff, tingin ko, magtatagal kayo. Pero kayo naman kasi ng magdadala niyan. Give and take lang ang secret dyan. Both must give and take to make the ends meet."
"Oo. Tama ka."
"Aprilynne! What the hell!!!" Natatawang sabi ni Jeff. "Wag mong lasingin yan!" Kinuha ni Jeff sa akin ang wine glass na hawak ko.
"Hoy, Jeffrei Andrew! Hindi ko nilalasing ang girlfriend mo! Saka bakit ba?! Eighteen ka na, di'ba, Phia?"
"H-Ha? You thought she was 18 already?!" Natatawang tanong ni Jeff.
"Oh, F*ck!!! Please wag mo akong ipakulong, Phia." Nagbibirong arte ni Apples.
Natawa na din ako sa kanya. "Sorry, college freshman pa lang ako. Pero I'm almost." Ngumiti ako sa kanila.
"Pucha! Craddle snatcher ka, Jeff!" Umarte din si Colbin.
"Sira!!!" Mukhang nagsisimula nang mapikon si Jeff sa kanila.
Naki-celebrate lang sila sa amin pero sa labas na daw sila magdidinner. Ayaw daw kasi nilang masira ang first night namin as an official couple.
"Bye, Jepoy. Ingat si Phia sayo." Biro ni Colbin.
"Loko! Umuwi ka na nga kay Tasha! Baka tawagan pa ako nun!" Ganting sagot ni Jeff.
~*~
Pizza lang ang kinain namin for dinner. Ayaw na daw kasi niyang kumain ng rice dahil diet daw siya.
"Diet ka ba talaga?" Tanong ko sa kanya.
"Bawas carbs lang sa gabi."
"You're drunk?"
"Hindi naman. Naka isang beer in can lang naman kami."
