Chapter Forty One
“Sorry, Ladies. Nagkaroon ng biglaang room reshuffle. Ayaw na naming pasakitin ang ulo ni Yvet.” Natatawang sabi ni Rean at Umakbay kay Angge.Tumawa lang si Angge. Hindi ko naman sila pinansin at dumerecho ako sa pwesto ko.
“Tabi ni lang kami ni Rean sa isang kama. Biglaan kasi.” Sabi ni Jeff.
“Ayaw mong tumabi kay Phia?” Pabirong sabi ni Tricia.
“Loka ka, Trish. Baka magalit si Phia.” Dinig kong sabi ni Jeff.
“Naku, hindi magagalit yan. Gusto pa nga niyang tuksuhin namin sya sayo.”
Tumawa lang si Jeff. I feel tensed kaya lumabas muna ako.
Ano bang ginagawa ni Jeff dito. Nananadya ba talaga ‘to?!
Nakita kong lumabas ng kwarto si Jeff.
“Akala ko nagwalk out ka… Wag mo na lang pansinin yung mga yun. Maaasar ka lang.” Sabi ni Jeff sa akin at tumabi sa couch na nasa labas ng villa namin.
“Ano pa nga ba…”
“You look great tonight.” Sabi niya sa akin.
Oo nga pala. I put light make-up.
“Light make-up lang yan.”
“It looks good on you.”
“Thanks.”
Lumabas naman ang mga kasama namin sa villa.
“Let’s have dinner na daw.” Sabi ni Angge.
Halata namang iniiwan nila kami na magkasama dahil mas nauuna silang maglakad kaysa sa amin. Pagkatapos ng dinner namin ay pumunta na kami sa bonfire area at naupo. Kanya kanya kami ng kumpulan. Ang grupo naman naming mga girls ay umiinom ng cocktails na inorder ni Yvet.
“Mukhang may party banda dun, I-check ba natin?” Sabi ni Lovi.
“Ubusin muna natin ‘to.” Makulit na si Alie dahil tipsy na ito.
Nang humina ang bonfire ay pinatay na namin ang apoy at pumunta kami sa kumpulan ng mga guest. Kaya pala, may acoustic band pala na tumutugtog at nakikinig at nakikijamming ang mga customers sa resort.
“Jeff, maki-jamming tayo?” Niyaya ni Drex si Jeff.
“Luis? Game ka?” Tanong ni Jeff sa pinsan.
“G, bro! Kahit walang practice.”
Hobby kasi nila Jeff noon ang tumugtog kapag nagkakasama-sama kami noon.
“Anong tutugtugin natin?” Tanong ni Drex.
“Kayo’ng bahala. Basta alam kong kantahin.” Sabi ni Jeff.
“Phi, ano bang favorite song mo ngayon?” Nagbibirong tanong ni Luis.
“Sira ka talaga, Luisito!” Naaasar na sabi ni Jeff.
Sa huli ay napagkasunduan nilang tugtugin at kumanta ng “Lost Stars”.
“More! More!” Sabi ng ibang guests.
“Naku, paano ba yan? More daw sabi ng mga guests?” Sabi ng host ng party.
Nag-usap usap pa sila kung ano ang tutugtugin. Nagtawanan sila Drex at Luis. Napakamot naman sa ulo si Jeff.
“Dedicated daw po ito dun sa ex-girlfriend ng vocalist namin.” Sabi ni Luis sa mic. Tumayo na siya nang magsimulang tumugtog ng gitara si Drex. Kinanta nila ang “Never Not” ng Lauv.