Chapter Fifty Three
"Aww!"The truth is, my body hurt that night. But I never felt guilty.
Ghad! Sorry talaga!
Napailing ako. Hindi naman ako santo. But the thing is, alam ko naman na binigay ko yun sa karapat -dapat.
Nagulat pa ako nung nakasalubong ko siya sa elevator kanina. He seemed worried. Nagtaka daw siya dahil pagka-gising niya ay wala na ako sa tabi niya.
"Phia?"
"Ah.. Oo.. Ano nga ulit?"
"Hindi ka naman nakikinig eh." Pinagalitan ako ni Claire. Kasama niya kasi yung make-up artist team na ni-refer niya sa akin para sa wedding.
"Oo nga… I mean, I prefer nude tones."
"Naku… Ibang nude ang nasa isip nito!" Natatawang sabi ni Claire.
"Tumigil ka nga!" Inirapan ko siya.
Nakita namin na pumarada yung kotse ni Jeff sa tapat ng coffee shop.
"Hi, Jepoy!" Kumaway si Claire sa kanya. Tumango lang si Jeff.
"Sorry, na-late. Ang daming endorsement sa clinic kanina." Humalik siya sa ulo ko. "I missed you."
"Ang clingy ha." Pabirong umirap sa akin si Claire. "O Doc Jepoy, okay na ba sayo yang make up ng soon to be Misis mo?"
"Looks good. Pero, mas ok sana kung parang natural lang din."
~*~
"Ay, Inday… Ikakasal ka na talaga!" Maluha-luhang sabi sa akin ni Angel. "Grabe, bestie! Nagkatuluyan na rin talaga kayo ni Jepoy!"
Tuwang-tuwa naman si Angel habang mine-make up-an ako. Pero maya't maya naman din ang hingi ko sa kanya ng tissue. Pinagpapawisan kasi ako kahit aircon naman sa kwarto ng hotel room ko.
"Ate Phia, delivery po." Sumilip si Jeo sa pinto at may dala itong paper bag. Kinuhanan yun ng videographer dahil yun ang token na kasama sa kukunan ng video.
Pinabuksan kaagad sa akin yung dala ni Jeo. Smart watch pala ang laman nun.
Binasa ko naman ang message na nakalagay sa card.
_______
My Dearest Mrs. Cheng.
This is it. It's now our day to be one with Him.
We've been through many ups and downs in our lives but now here we are. Sa wakas, natuloy na din tayo.
I couldn't thank you enough for coming back into my life, Baby. Marami pa tayong pagdadaanan as our next chapter in life comes, pero alam kong palagi kang nandyan para sa akin.
Please accept this gift. It will always remind you to take good care of yourself. I love you and see you later.
-Love, Jeffrei.
_______
"Aww… Ang sweet naman!" Sabi ni Aicel na nakibasa din ng message sa card.
"Naku! Bruha ka, wag kang iiyak, masisira ang make up mo!" Natatawang saway sa akin ni Claire. Nagmadali siyang kumuha ng tissue para ibigay sa akin. "Mag-aasawa ka na pero ang babaw pa rin ng luha mo!"
"Bakit ba?!" Ganti kong biro sa kanya. I pat the tissue sa gilid ng mga mata ko. Mabuti na nga lang daw at colorless ang mascara na in-apply sa akin.