Chapter Fifty Five
"Saengil Chuka, Halmeoni!" Binati ko si Grandma ng happy birthday. It's her 92nd birthday and she's still strong. Iba talaga siguro kapag maalaga sa katawan.
"Thank you, Jaehyuna. I'm glad you came."
"Of course, I missed your birthday last year." Humalik ako sa ulo niya.
"You have a very lovely wife, Jaehyun."
Nag-bow ni Phia sa lola ko. "Happy birthday, Halmeoni."
Ngumiti si Halmeoni at hinawakan ang ulo ni Phia. "Glad that you're taking good care of my grandson. Take good care of him always, Sophia."
Ipinakilala ko rin siya sa iba naming kamag-anak. Halos nalilito na nga yata siya kasi magkakamukha kami. Katatapos lang namin mag-usap ni mommy thru video call nang makita ko siya. Nakatingin lang siya sa pinsan kong si Eun Sol na karga ang isang bata.
"Love?" Nilingon niya kaagad ako.
"Why?"
"Mag-isa ka lang dito. Let's join the others."
"Sorry, Love. Parang kasing nag-iba yung pakiramdam ko. Naulanan tayo kahapon, remember?"
"Gusto mo na bang umuwi?"
"N-No. Let's stay here. Baka sumama ang loob ni Halmeoni. She wants you to be here."
"But you're unwell..."
"Ayos lang naman ako. Don't worry about me."
"Sure ka?"
"Yeah. Go with your cousins. Dito lang muna ako sa gazebo."
Kasama ko ang mga pinsan ko pero nakay Phia ang isip ko. Hindi ko kasi alam kung okay lang ba talaga siya o ayaw niya lang masira ang moment na kasama ko ang mga kamag-anak ko.
"Uncle Jin, nakita mo ba si Phia?"
"Ah, oo. Kausap ni Eomoni sa gazebo kanina."
Napatakbo ako sa gazebo. Nagke-kwentuhan nga sina Lola at Phia doon.
"Love?" Nagtataka siguro siya kung bakit hinihingal ako.
"I was looking for you. Wala ka kasi dito sa gazebo kanina."
"Sinama lang ako ni Halmeoni sa kitchen. Kumain daw ako ng marami kasi ang payat ko daw."
"I'll leave you two, lovers. See you later at the dinner, okay?"
Nagyaya si Phia sa room sandali. Nahihilo daw kasi siya. Pumasok kami sa room kung saan namin nilagay yung mga gamit namin kanina.
"Magpapahinga muna siguro ako, Love. Baka napagod lang ako sa biyahe." Sabi niya sa akin.
"Sigurado ka bang okay ka lang, Love? Kanina ka pa matamlay?"
"I'm fine. Wala ka naman dapat ipag-alala, Love."
"Ayokong iwan ka dito eh. Pwede tayong magpaalam ng maaga kay Lola kung gusto mo ng bumalik."
"No, Love. Minsan mo lang makakasama mga relatives mo dito."
"How are you feeling ba?" Sandali ko siyang chineck. "Hindi ka naman nilalagnat? Hindi kaya nanibago sa weather?"
"Siguro. I feel a bit cold."
"I'll make the room warm."
"No... Tama na yung ganito. Sarado naman yung windows eh."
"Sure ka talagang okay ka lang dito?"
"I am. Kung ma-bore man ako or maging okay na ako, I'll message you para alam ko kung saan ka hahanapin."
"O-Okay... Babalik muna ako sa labas. Baka hanapin ako ni Halmeoni."