Chapter Eleven
And so our classes have started. Magkakasama kami nila Tricia, Eila at Reych sa La Salle. Sila Cheska, Maui at Yvet sa UST. Sina Lovi, Alie at Angge sa FEU.Dahil parehong business course ay magkaklase kami ni Eila sa minor subjects. Engineering kasi ang kinuha ni Tricia at Nursing naman ang kinuha ni Reych. Nagkikita kita lang kami kapag nagsabay sabay ang mga vacant time namin.
"O? Nasan si Reych?" Tanong ni Eila.
"May make up class daw yata." Sabi ni Tricia.
"Uy, Phia. I forgot to tell you nga pala. Di'ba birthday na ni Kuya Jeff next month? Anong ganap?" Tanong ni Eila sa akin.
"Ganap? Eh ayaw nga nun ng pinaglilihiman siya." Sagot ko.
"Gaga! Iba naman 'to! Birthday niya eh." Pabiro akong hinampas ni Tricia.
"Hindi naman mahilig sa surprises yun." Sabi ko.
"Eh, ano? Sayo lang mahilig?!" Biro ni Eila.
"Loko!" Natawa ako si hirit ni Eila.
"So, ano na? Level up na ba talaga?" Tanong ni Tricia.
"Siguro, oo. Pareho naman naming gusto eh."
"Hindi naman na kasi uso ang ligawan ngayon. Kadalasan pa ng nililigawan, naliligaw at naloloko." Sabi ni Eila.
"Parang may kasamang hugot yan Eila ah? Based on experience ba?" Nang-aasar na sabi ni Tricia.
"Pwede na rin!" Sumakay sa biro si Eila.
"Oorder na nga ako! Ano bang gusto niyo?" Tanong ko.
"Libre mo, cuz?" Tanong ni Tricia.
"Hindi noh!" Pabiro akong umirap.
"Ah... Kaya pala oorder na! Andito na ang jowa!" Napalingon ako sa tinitigan ni Eila. Kakapasok lang pala ni Jeff sa loob ng store.
"Kaya! Libre tayo ng jowa!" Sabi ni Tricia.
"Sorry, na-late ako. Ang traffic sa España eh." Humalik si Jeff sa ulo ko.
"Kuya Jeff, libre mo lunch namin?" Tanong kaagad ni Eila.
"Huy! Ano ba!" Saway ko naman.
"Oo nga, kuya Jeff? Libre mo nga? Thank you!" Gatong pa ni Tricia.
"Sige, ako na lang ang oorder." Tinapik ako ni Jeff para bumalik na sa kinauupuan ko.
"Hoy, singkit, wag mo akong iniirapan dyan ah!" Sabi ni Tricia sa akin.
"Hoy, dilat! Bakit hindi ka magpalibre sa Joshua mo!" Ganti kong biro sa kanya.
"Nag-away pa kayo eh pareho naman kayong singkit." Natatawang sabi ni Eila.
"Nagsalita ang hindi!" Halos sabay naming sabi ni Tricia. Nagkatawanan tuloy kaming tatlo.
Nilibre nga ni Jeff ng lunch 'tong dalawa kong kasama. May sarili namang usapan yung dalawa kaya kami na muna ni Jeff ang nag-usap.
"Love, may freshmen's night pala kami next week." Banggit ko sa kanya.
"Hmm, wag sanang tatapat na may CI class ako. Baka hindi kita masundo."
"Yun lang." Napa-slouch ako sa upuan.
"Pwede ka naman hindi umattend kung ayaw mo."
"Pero sayang daw kasi yung experience."