Chapter Twenty Two

6 0 0
                                        

Chapter Twenty Two


Hindi pa doon natapos ang surprise namin kay Phia. Kahit wala pang masyadong tulog ay gumising ako ng alas singko ng madaling araw para pahandaan siya ng breakfast. Kasama ko si Cheska na naghihintay sa restaurant sa baba ng hotel.

"Napaka-hands on boyfie mo naman, Jepoy." Sabi sa akin ni Cheska.

"Kailangan eh. Nagtampo kasi last week." 

"Dahil ba sa ex niya?" 

"Ewan ko dun..." 

"Ayaw ka naman kasing napapa-away. Kaya baka hanggang ngayon, she still dwells on the issue." 

"Hindi naman kasi tama ang ginawa ng ex niya. I just want to teach the man a lesson."

"Kahit na, 'no. Why step down to his level? I mean, anong point? Di'ba?"

"Kaibigan mo nga si Phia. Your thoughts are the same." 

Napatawa si Cheska, "Kaya nga magkasundong-magkasundo kami nun e."

"Your future sister-in-law, huh?" 

"And that makes you my... Bilas... Tama ba?" 

Nagkatawanan kami pareho. 

~*~

"Wake up, sleepyhead!" Ginising ko si Phia. Sinamahan kasi ako ni Cheska sa room nila. 

"Later, Kuya... Antok pa ako!"

"So, Kuya mo na ako ngayon?"

Na-alimpungatan tuloy siya at dahan-dahang bumangon. 

"Antok pa ako, Love..." Isinandal niya ang ulo sa headboard at pumikit. 

"I know what will wake you up..." 

"Uhmmm? What?" 

Binilisan ko ang kilos. I gave her a light kiss on her lips. 

"J.A.!!!" 

Effective ngang pampagising yun. "Antok ka pa? You want me to-" 

"Eto na nga, tatayo na." Nagmamaktol niyang sabi. 

"I bought your favorite coffee." 

"Hazelnut machiatto?" Excited niyang tanong. 

"Yeah. Go get dressed, too. Mag-stroll pa daw tayo sa mga tourist spots dito." 

"Yes, Doc....!" Pabiro siyang sumaludo sa akin. 

"Double time, slowpoke!" 

"Nagmamadali lang?" 

"Hindi... You know time's precious, right?"

"Tch! Eto na nga, magbibihis na po!"

She wore a pink shirt and a black jeans. Dinala niya din ang isang hoodie na ibinigay ko sa kanya last time. Nakita ko din na hawak niya ang isang mirrorless camera.

"You finally bought it." I was referring to her camera. 

"Regalo ni Tita Lorraine." That was a sweet smile from her. She really love taking pictures. Matagal niya na ding pinlano na bumili ng ganitong camera dahil gusto niya daw gumawa ng vlogs.

"Kuripot ka kasi. May pambili ka naman." 

"Eh, diba nga naghihintay pa ako na bumaba ang presyo niya? We saw it sa isang store sa BGC. Medyo sulit ang freebies kaya binili na daw ni Tita."

Jeff and PhiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon