*Chapter Six

8 0 0
                                    

Chapter Six


"Please... Stay..."

Gulung-gulo na ako. Bakit ngayon pa kami nagkita ni Raine. Of all places at bakit sa ganito pang pagkakataon.

Mabuti na lang at naupo ulit siya sa swing. 

"Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sayo." 

"Just tell me the truth." 

"Ex ko si Raine. Pareho kaming nag-aral sa U.S." 

"Then...?" Kalmado pa rin siyang nagtanong. 

"She... She said she was inlove with someone else. We broke up thru a phone call." 

"Kaya ba sinasabi ni Maui that she's a cheater?" 

"Yeah. Galit si Maui kay Raine." 

"How did you know her?"

"Classmate siya ni Meg noong elementary. Then, my cousin eventually saw our pictures together. We've dated for a couple of months then, yun na..." 

"Do you still have feelings for her?"

"Phia... Kilala mo ako... I do not-"

"No... P-Parang ibang Jeff na ang kasama ko ngayon." Tumayo siya pero nagawa ko siyang harangin.

"Phia, please hear me out."

"For what?!" Halata ko ang inis sa tono ng sinabi niya.

Ano nga ba ang dapat kong ipaliwanag sa kanya. Sira na naman ako. Nagsisimula na eh! Back to zero na naman ba ako?

"I know what you're thinking." 

"Hindi ko maiwasan." 

"All I want is for you to trust me." 

"Jeff... Please... Kung gusto mo lang maka-move on, wag naman sanang ako." 

"The he-... You're not a rebound girl, for Pete's sake! Bakit ganyan ka mag-isip?" 

"Saka na tayo mag-usap."

"Phia...!"

Hindi na ako nakatulog ng gabing yun. Tumulong na lang ako sa paghanda ng agahan. Maaga ring nagising si Phia at tumulong din. Tatabi na sana ako sa kanya pero palapit pa lang ako ay lumipat na kaagad siya ng pwesto. Halatang iniiwasan na ako.

"LQ kayo?" Tanong sa akin ni Eila. Pinsan ko na kabarkada nila Maui.

"We're not lovers yet."

"Pero nanligaw ka na, di'ba?" 

Tumango ako. 

"Edi... Landian's quarrel na yan?" 

"Eila!" Naiinis kong saway sa kanya. 

"Baka naman kasi nagseselos kaya nagalit?" 

Sasagot na sana ako nang marinig kong sumigaw ang pinsan kong si Lester. "Medic!!! Paging Doctor Cheng! Doctor Jeffrei Andrew Cheng! Napaso ang bebeloves mo!" Tumawa ito pagkatapos.

Kaagad akong tumayo at pumunta sa kwarto namin para kunin ang first aid kit na nasa bag ko. Paglabas ko naman ay nakaupo na si Phia katabi si Angge. 

"Anong nangyari?" Tanong ko sa kanila. 

"Tulala yata 'tong si Phia. Magpi-prito lang ng hotdog, napaso pa." Si Angge ang nagsalita para kay Phia. 

"Hindi naman malala." Sabi ko nang makita ang kamay niya. Kumuha ako ng soothing gel sa kit ko. Ipinahid ko iyon sa kamay niyang bahagyang namula dahil sa pagka-paso. "Wag mo munang babasain."

Jeff and PhiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon