Chapter Forty Six
Maingay sa private room ng club na nirentahan ni Claire para sa kanyang bridal shower. Ang awkward naman ng sitwasyon dahil tatlo lang kaming lalaki. Yung dalawa ay nakabantay daw sa mga asawa nila."Man, kaya pala pamilyar ka. Ikaw yung Atenistang lagi kong nakikitang sumusundo kay Phia." Sabi nung isa. Nasa bar stools lang kami at nakatanaw sa mga girls.
"Yeah. Ako nga yun." Tipid kong sagot
"Bakit pala kayo nagbreak? I mean, sorry to be nosy. Pero sayang."
"Differences and shortcomings, I guess."
"Na-try mo na ba ulit?"
Umiling lang ako.
"You didn't try, but still you're in good terms. Baka hinihintay ka lang niya ulit."
"No... Hindi siya ganun. Hindi ganun ang pagkakakilala ko sa kanya."
"People change, bro. If I were you, I'd give it a shot. Sayang kasi."
Ala-una ng madaling araw na natapos ang party. Mabuti na lang at naka-check in kami malapit sa hotel na pagdarausan ng kasal bukas.
"My ghad! My head hurts!" Nagising si Phia nang alas singko ng madaling araw.
"Ang aga mong magising. Nakatulog ka ba?" Sabi ko. Dahan-dahan akong bumangon.
"A bit." Hinihilot niya ang ulo nya na kanina pa daw masakit.
I reached out for my bag and gave her medicine.
"Ang lakas ng loob mong maglasing pero nagpapatalo ka sa hangover?" Tinawanan ko siya.
"Shut up!" Maaga siyang napikon ngayon. Ginulu-gulo ko ang buhok niya.
"Ugh! Ginagawa mo na naman akong bata!" Natatawa niyang sabi.
"You're young!" Natatawa ko ring sagot sa kanya.
"Napag-iwanan na nga ako eh. Ikinakasal na yung mga kaibigan ko o!" Sabi niya.
"Edi... Hanap ka na din ng mapapakasalan mo?"
"H-Hindi 'no! Hindi naman ako nagmamadali eh."
"Hmm... Ako, I mean... Ako, nagmamadali na."
"Haha! You're at it again!"
I shrugged my shoulders, "Eh, hindi na din ako bumabata. Thirty four na ako. Wala na nga ako sa kalendaryo eh."
Tumawa siya, "Sira ka talaga!"
Kaya natutuwa talaga akong asarin siya. Napapahapyawan ko siya ng gusto kong sabihin. Tapos kapag wala na siyang isinagot, makikita ko na lang siyang maiinis or magb-blush.
"Pipz?"
"Hmm?"
"W-Wala... Wala lang..."
Late niya na na-realize. She's not wearing her bra.
"Oh my ghad! Sorry!" Kaagad siyang nagtalukbong ng kumot.
"Uhm... S-Sorry din. Gagawa lang ako ng kape, magbihis ka na muna sa cr."
Paglabas niya sa banyo ay nakahanda na ang breakfast na inorder ko para sa amin. Naligo na din pala siya at mukhang tumalab na din ang gamot na binigay ko sa kanya.
"Okay ka na?" Tanong ko sa kanya.
"Yeah."
Sumubo lang siya ng kaunting sinangag at salted egg. Sinandukan ko siya ng kaunti pang sinangag.