Chapter Thirty Nine

12 0 0
                                    

Chapter Thirty Nine
  
  
"Mukhang maganda ang mood mo ngayon ha?" 

Kalalabas lang ng clinic secretary ko nang pumasok si Apples sa loob. Dinalhan ako nito ng takeout dinner. 

"May date ako." 

"With...?" 

"Secret..." 

Tinawanan niya lang ako. 

"Inlove na naman ah?" 

"I'm always..." 

"Always... And sa iisang babae lang, tama?" 

Ngumiti lang ako. 

"Huy, pilitin mo siyang pumunta sa kasal namin ni Davey ha!"

"I won't promise, but I'll ask her." 

"Jepoy..." 

"Hmm?"

"You can win her back. Alam kong hindi ganun katigas si Phia para hindi ka niya bigyan ng isa pang chance." 

"Thanks, Apple. I know she'll change her mind someday." 

Tulad ng napag-usapan namin ay dumerecho ako sa restaurant na napag-usapan namin. I was five minutes early kaya tumingin muna ako sa menu. 

Ten minutes after the agreed time ay wala pa rin si Phia. Nakaramdam ako ng kaba. She was never late. She herself hates it kapag may nale-late sa usapan. I was trying to call her pero hindi niya sinasagot ang tawag ko. 

Naisipan kong pakalmahin ang sarili ko. 

Relax... She'll be here... She never breaks her word, right?

"Sir... Oorder na po ba kayo?" Tanong sa akin ng waiter na nakatatlong balik na yata para itanong kung anong oorderin ko. 

"A glass of red wine, please." 

Pagkalapag ng waiter ng red wine ay kaagad ko itong ini-straight. 

"Ah... Eh... Sir... Do you want a refill?" 

"Isang bote na please..." 

Lalasingin ko na lang ang sarili ko kung hindi siya sisipot tonight. I'd better be drunk before I feel the pain. 

"Ah, eh... Kayo po ba ang kasama niya mam?"

"Yeah... Wag mo nang i-serve yung whiskey, please." 

Parang naririnig ko ang boses ni Phia pero mabigat na masyado ang ulo ko. Inaantok na yata ako o baka nga nakatulog na din ako sa paghihintay. 

"Jeff?"

Marahan niya akong tinapik. 

"Uhmm?" 

"I'm sorry kung na-late ako." Sabi niya sa akin. 

"O-Okay lang... I'm okay..." 

"Let's go home... You're drunk..." 

"I'm not... I'm not drunk... Okay?" Pinilit kong tumayo kahit nahihilo ako.

"J-Jeff..." 

"Go home... Phia... See you next time..." Tatanggapin ko na, tatanggapin ko nang hindi ko na siya maibabalik. 

~*~

Nagising ako dahil parang napapaso ang mukha ko. Pagmulat ko ay maliwanag na at nakatapat na sa mukha ko ang sikat ng araw na nakatakas sa gitna ng kurtina na kulay mint green. 

Jeff and PhiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon