Chapter Four
"Hello, lovely lady. Nakapasyal ka din sa bahay sa wakas!" Niyakap ako ni Tita Annie nang makapasok kami sa bahay."Hi, Tita Annie." I hugged her back. Iniabot ko sa kanya ang isang indoor plant na binili namin ni Jeff sa nadaanan naming plant shop.
"Naku, nag-abala ka pa. Gutom na ba kayo? Magpapahain na ako ng tanghalian?"
"Later, Mom. Maaga pa po." Sabi ni Jeff. Umakbay ito sa akin.
"Uhum! Gusto mo lang makausap si Phia eh. Sige, dun na muna kayo sa living room. Hindi pa ako tapos sa cookies na binebake ko."
"For sure, may take out na naman 'tong kasama ko." Kinindatan ako ni Jeff.
"Of course, mawawalan ba ang future mamanugangin ko?"
Nakikitawa lang ako sa kanila. Gets ko naman, ayokong lang umasa.
Naupo kaming pareho sa couch. Same old couch pero mga binata at dalaga na kami ni Jeff. Hindi na din maiwasan ang pagka-ilang factor.
"O, eto na muna ang meryendahin ninyo." Inihain ni Tita Annie ang isang milkshake at limang pirasong large cookies.
"Mom, wag mo po masyadong patabain si Phia."
"I'm not. Good for the figure yan, di'ba Phia?"
Iniabot sa akin ni Jeff ang milkshake.
"Too much sugar!"
Tumawa ako.
"Masarap magluto si Tita Annie."
"Masyadong matamis yan eh."
Tinikman ko ang Nutella milkshake. "Hindi naman. Tikman mo?"
Medyo nag-alangan pa si Jeff sa una. Pero tinikman din niya.
"Matamis?"
"Mas sweet naman ako dyan."
Natawa ako sa sinabi niya.
"Anong course nga pala ang kinuha mo?"
"Gusto ni Dad mag-business degree ako. Maiba naman daw. Aicel is planning to take up Nursing."
"Ikaw pala ang magmamana ng company nyo if ever."
"Eh, ikaw? Saan ka magme-med school?"
"Sa Ateneo."
"Hmm. Good choice."
"Hindi ka ba nagtry sa UP?"
"Mapapalayo lang ako if ever, Diliman Campus kasi ang business courses nila."
"Kunsabagay, mas gugustuhin ko din na mas malapit ako."
Tumunog ang phone ko. Isang text galing kay daddy ang natanggap ko.
"Hinahanap ka sa inyo?"
"Nagtext si Daddy. Wag daw akong magpagabi kung gusto ko raw na payagan niya akong sumama sa overnight swimming bukas."
"Yeah! Oo nga pala. Sumama ka sa akin!"
"Ha? S-Saan tayo pupunta?"
"Sa garage. May ibibigay ako sayo."
"Ano yun?"
"My gifts..."
Lumabas kami sandali para puntahan ang sasakyan nila. Andun pa daw kasi sa compartment yung mga regalo niya sa akin. At totoo nga, may dalawang malaking paper bag sa trunk ng kotse niya.
"My birthday gifts to you for 6 years."
"Seryoso ka?"
"Am I not?"