Chapter Twenty Five

9 0 0
                                    

Chapter Twenty Five

Gabi na kami dumating sa venue. Nandoon ang ilang mga kamag-anak na nakilala ko noong birthday ko. May ilan namang ngayon ko lang ulit nakita.

"O, nandito na pala kayo." Sinalubong kami ni Tita Lorainne. "Andun ang mommy at daddy mo sa loob."

"Thanks, Tita." Hinawakan ko ang kamay ni Jeff. Para kasing naiilang siya.

"Na-co-conscious ka na naman?" Pabulong kong itinanong ko sa kanya.

"Hindi naman. Hindi lang talaga ako sanay sa ganitong gathering."

"Kahit naman ako eh. Ewan ko ba kung bakit gusto pa akong isama nila Dad."

"Ikaw nga kasi ang magmamana ng company nyo."

"Aish! Don't say that! Ayoko ng sakit ng ulo."

"Bakit? Nasa ayos naman ang company niyo ah?"

"Oo nga. What I mean is, I hate big responsibilities."

"Hindi mo naman yan maiiwasan. Kaya nga pine-prepare ka na para diyan eh."

"Ugh! Saka ko na iisipin yan pag graduate ko!"

Tumawa lang si Jeff. Sinalubong kami ni Mommy na tumayo mula sa isang table.

"Kanina pa ba kayo ni Jeff? Kumain na muna kayo. Nasa kitchen ang buffet table. Go and eat your dinner first."

Sabay na kaming kumuha ni Jeff ng pagkain at naupo kami sa isang table.

"Everyone's busy." Puna ni Jeff.

Pansin ko nga na mukhang busy ang lahat. May mangilan-ngilang mga bata na nagsi-swimming. Ang ibang mga kaedaran naman namin ay may kanya kanya ding kumpulan.

"You're bored." Pansin ni Jeff.

"Gusto ko na ngang umuwi." Sabi ko sa kanya.

"Bro, wanna join us?" Lumapit naman ang isa mga pinsan ko. Kasama ito sa 18 roses nung birthday ko, si Prime.

"No, Kuya Prime. He'll be driving tomorrow. And may pasok pa yan tomorrow."

"Isang shot lang, Sophie."

"Okay lang, Phia." Kinuha ni Jeff kay Kuya Prime ang shotglass at chaser. "Thanks, Bro."

"Welcome to the club, bro." Kuya Prime pat his back. Bumalik na ito sa table at itinuloy ang inuman ng mga pinsan kong lalaki.

"Jeffrei ha! May pasok ka bukas."

Natatawa siya sa akin, "Isang shot lang yun. It won't hurt me."

"Kahit na..."

"Filipino gesture, Baby. Sasama ang loob ng pinsan mo kung tinanggihan ko yun."

"Whatever!"

Tumawa lang siya.

"Phia..." Nilapitan kami ni Tita Lorraine.

"Yes, Tita?"

"Nandito si Greg."

"Ah..."

"He's a pilot na pala?"

"Really?"

"Oo... Jeff... Hiramin ko lang si Phia ha?"

"Sure, Tita."

Isinama naman ako ni Tita Lorraine sa table nila.

"Gregory, remember Phia? Eto na siya..."

Tumingin ako sa tinitignan ni Tita Lorraine. Nginitian ko siya at ngumiti rin siya pabalik sa akin. Sandali itong tumayo, kinamayan ako at bumeso.

"Naku, Greg. Sayang! Medyo na-late ka." Natatawang sabi ni Tita Lorraine.

Jeff and PhiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon