PROLOGUE

68 5 4
                                    

Matamang minamasdan ng lalaking nakatalikod ang mga taong naglalakad sa paligid.

Waring may hinintay dumating.

Ngunit alam niyang hindi na ito darating.

May sampung minuto pa bago siya pumasok at mag-check-in, matagal na oras na rin ang lumipas mula nung dumating siya sa paliparan, paalis sa lugar na sa kanya ay nagdulot ng matinding pasakit at lungkot.

Ngunit di maitatanggi na ito rin ang lugar kung saan siya sumaya at naging buo, bago siya nasira at nawala, napagod sa paghihintay at kinailangan nang bumitaw.

Dahil na rin sa mga bagay na nagpapagulo at mga gawain na dapat unahin, hindi sa hindi na niya kayang magmahal, hindi niya lang kaya na umasang mabuo pa at maghintay na magbalik ang dati.

Dahil hindi na mangyayari iyon.

Kasalanan na pinilit niyang manatili ang isang tao sa piling niya kahit pa alam niyang iba ang gusto ng puso nito.

Kasalanan na itali ang isang tao sa isang relasyon kung saan, pareho silang sinisira at baka sa huli, mauwi sa di pagkakaunawaan at kapwa magalit sa isa't isa.

Kasalanan niya na ginusto niyang mangyari na maging masaya sa piling nito, habang alam niyang hindi pa ito handa sa mga hamon ng buhay.

Kasalanan niyang umasa na siya ang piliin nito, para maisalba ang natitira sa kanilang dalawa.

Kasalanan niya, dahil nagmahal siya nang husto at hindi nagtira para sa sarili.

Kaya ang naging resulta, naubos siya at napagod. Naupos na parang isang kandila nanghihingalong mamatay ang sindi. Nawala na ang init, nawalan na ng sigla. Nabuhay sa panahon mabigat ang pasanin, kinaya ngunit, nasa tagpo na sila na hindi kayang igapang at ayusin. Di na rin sila maayos kahit pa dati.

Siguro nga, siya lang ang may kagustuhan at ang tanging may pakialam, sa relasyong binuo nilang dalawa, siya ang naiwan, at kung mananatili pa siya, baka di na rin niya kayang tingnan ang sarili niya at balang araw, magiging sugat na hindi na kailanman maghihilom. Kakayanin pero di kayang limutin. Kahit pa hanggang ngayon, nagdurugo pa ang kanyang puso.

Walang dapat sisihin, wala na rin namang magagawa, marahil nakatadhana na talaga ang mga nangyari para bigyan sila ng aral at pagkakataong mapag-isa. Para buoin ang sarili nang magkaiba na ang hangarin. Hindi na siya ang prayoridad, hindi na siya kasama sa plano.

Kaya kailangan niyang unahin ang sarili dahil, hindi na niya kaya. Hindi na niya kayang magpanggap, hindi na niya kayang sumaya. Kahit mahal pa rin niya ang dating naging bahagi ng buhay niya, kailangang nang umalis para makuha ang katiwasayan at pagpapatawad.

Saglit na binalik ng lalaki ang tingin sa relong pambisig. Limang minuto na lang. Muling bumalik sa alaala niya ang mga tagpo noon, dito rin, sa lugar na kinaroonan niya ngayon.

Noong bago pa sila, noon masaya pa siya. Napangiti siya dahil naalala niya ang mga tagpo nila, mga eksenang ni sa hinagap, di niya akalaing magtatapos. Napangiti siyang mapakla at pilit inayos ang sarili at wala sa loob na naglakad-lakad.

Wala na dapat siyang pinagsisihan ngunit ang pagod na puso niya, ang babaeng iyon pa rin ang tinatangi at tinatawag.

Napapikit siya at pinahid ang butil ng luha na bumagsak sa pisngi. Hindi na dapat siya malungkot, dahil naka-moved on na ang mahal niya.

Marahil ganito na talaga iyon, ang unang pag-ibig ay mahirap kalimutan, lalo na kung kayo ang una ng bawat isa.

Limang taon, matagal rin ang panahong lumipas, napangiti siya at tinapunan ng tingin ang gintong singsing na suot pa rin niya magpasahanggang ngayon. Hindi pa rin niya hinuhubad dahil ayaw niyang bumitaw. Ayaw niya kalimutan na lang.

Sunset in ParadiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon