CHAPTER 32 (Make Bed)

35 2 0
                                    

*Miles*

Wala pa rin kaming kibuan.

Dalawang araw na mula nung matinding sagutan namin na nauwi na sa pisikalan.

Nag-aaway naman kami dati pero matindi na talaga ngayon. Umabot na sa punto na gusto ko na siyang patulan at masasaktan ko na talaga siya dahil ang sakit-sakit na ng mga ginagawa niya.

Pinagpapasensyahan ko na lang, kasi hindi siya okay, umaatake na naman sakit niya, fine! Pero hanggang saan aabot ang pagtitimpi ko?

Hanggang kailan ako magtitiis?

Wala siyang planong makipag-usap sa akin at ganun din naman ako. Masyado nang mainit ang tingin namin sa isa't isa. Dati-rati, hinahanap siya ng mga mata ko at nalulungkot ako kapag di ko siya nakikita.

Ngayon, sumasakit na ang mga mata ko dala ng luha at galit, at lalo akong naiinis sa mga pag-iwas niya.

Mahal ko siya pero hanggang saan ko kakayanin?

Mahal ko pa rin siya pero masakit na sa dibdib.

Hindi ko na masikmura na tingnan siya sa mga mata at makita na iba na ang tingin niya sa akin. Na may iba na siyang mahal.

Ako, na walang ibang minahal kundi siya, ako na lagi na lang nakaalalay sa kanya. Ako na patuloy pa ring umaasa na babalik ang dating kami, pero bakit?

Bakit siya nagloko?

Tapos ako ang babaligtarin niya?

Sino ba?

Sino ba ang ipinalit niya sa akin?

Hanggang ngayon, bitbit ko pa rin ang galit ko sa lalaking ahas na lumingkis sa pag-aari ko.

Bakit di niya pa rin sinasabi, bakit hindi pa rin siya umaamin?

At sa tuwing nakikita ko siyang natutulog nang mahimbing sa kama, di ko maiwasang mag-isip na may iba nang nakialam sa kanya. Na may iba nang gumamit sa kanya.

Ang sakit sa pride, hindi ito tipikal na pagseselos o pagtatampo. Ginago niya ako at iniputan sa ulo.

Tapos ako ang pagdidiskitahan niya? Kami ni Steph? Wala naman kaming ugnayan, ni hindi ko nga alam kung saan niya napulot ang ideya na yun, sa mga tropa niya malamang, sa mga kaibigan niyang pakialamero at tsismosa.

Nahalata ko na lumamig ang pakikitungo nila sa akin mula nung nag-umpisa kaming magkalabuan ni Reina.

Kung sa kanila nasasabi niya ang lahat tungkol sa amin, so ano? Kanino ako maglalabas ng sama ng loob? Siya lang ba ang may karapatang humanap ng kakampi?

Hindi ko pa rin gets, hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Sa tuwing susubukan naming magkaayos, nauuna ang galit at sama ng loob namin sa isa't isa.

Mahal ko pa rin ang asawa ko pero bakit ang hirap nang panindigan? Bakit ang hirap na niyang mahalin?

Nakatulala lang ako habang nakatayo sa harap ng bintana ng office ko nung may marinig akong pumasok. Agad kong pinahid ang luha ko at inayos ang sarili.

“I brought you a coffee, hindi ka kasi lumabas kanina,”

Tipid akong ngumiti at piniling maupo sa tapat ng desk ko. “Thank you, Steph,”

Mataman niya akong tinitigan. “You don't look well, natutulog ka pa ba? Mukha kang puyat na puyat eh,”

Buntong hininga lang ang naisagot ko.

“Nag-away na naman kayo ng misis mo 'no?”

Hindi pa rin ako umimik at piniling basahin ang folder na kanina pa nasa ibabaw ng desk ko.

Sunset in ParadiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon